Binalangkas na IRR ng Anti Terror Law, tapos na – DoJ
- Published on September 19, 2020
- by @peoplesbalita
Nasa tanggapan na ng Department of Justice (DoJ) ang binalangkas na implementing rules and regulation (IRR) ng Anti Terrorism Law na kaagad isailalim sa evaluation.
Ayon kay DoJ Sec. Menardo Guevarra, natanggap niya kahapon ang unang binalangkas na IRR ng RA 11479 o Anti Terrorism Law of 2020.
Ayon sa kalihim, kung kinakailangan pang i-edit ang nasabing IRR ay kaagad nila itong isagawa upang maisumite na kaagad sa Anti-Terrorism Council para sa kanilang pagpapasya.
Umaasa naman ang kalihim na magiging handa na ang nasabing binalangkas na IRR bago pa sumapit ang natakdang deadline nito sa susunod na buwan para sa promulgation.
Matatandaang umabot na sa 32 mga petition ang naihain sa Supreme Court (SC) ng mga kontra o tutol sa pagpapatupad sa bagong pasang batas dahil sa umanoy malalabag nito ang mga karapatang pantao sa bansa. (Ara Romero)
-
BI, magbibigay ng serbisyo sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair
SINABI ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na ang ahensiya ay magbibigay ng immigration services sa nalalapit sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair Leyte Normal University in Tacloban City nitong Agosto 2-3. Ito ay ang mabilis na access kabilang ang tourist visa extensions, exit clearances, dual citizenship applications, at iba pang serbisyo. Ang insyatibo […]
-
Importante ang chemistry at komunikasyon: MARCO, naniniwala sa matagumpay na long distance relationship
HINDI naniniwala si Marco Gallo na hadlang ang long distance upang maging matagumpay ang isang relasyon. Ayon kay Marco, “It doesn’t really matter because the chemistry between two people is more important. “As long as you can communicate, Facetime or video call, it doesn’t matter how far they are.” […]
-
PEKENG DENTISTA TIMBOG SA ENTRAPMENT
ISANG umano’y pekeng dentista ang arestado habang nagsasagawa ng dental procedure sa isinagawang entrapment operation ng pulisya sa loob ng kanyang clinic sa Caloocan City, kahapon ng umaga. Kinilala ni District Special Operations Unit of Northern Police District (DSOU-NPD) head P/Lt. Col. Jay Dimaandal ang naarestong suspek na si Marian Meneses, isang insurance […]