Binasag na rin ang katahimikan: BEA, isiniwalat na mutual decision nila ni DOMINIC na maghiwalay
- Published on February 13, 2024
- by @peoplesbalita
BINASAG na ni Bea Alonzo ang katahimikan tungkol sa hiwalayan nila ni Dominic Roque.
After na pinagpiyestahan ang break up nilang dalawa ay nanahimik si Bea na lumipad patungong Singapore kasama ang buong pamilya niya, huh!
Ngayon ay binasag na ng Kapuso aktres ang katahimikan. Thru her Instagram post binanggit ni Bea na mutual decision daw ang nangyari.
Pareho daw nilang desisyon ni Dominic na huwag nang ituloy ang napagkasunduang engagement kung aya wala ng kasalang magaganap.
Banggit pa rin ni Bea sa kanyang IG account na hindi naging madali ang desisyon nila ni Dom.
Ang gusto raw nilang pareho ay maging tahimik at ipagdasal ang kanilang desisyon pero marami ang naglabasang na espekulasyon, mga pang-iintriga, kasama pa ang mga tanong at insulto against sa kanilang dalawa, huh!
Dahil dito ay nagpasya si Bea na mag-post tungkol sa nangyaring hiwalayan.
Dagdag pa ng dating Kapamilyang aktres na gusto na raw nilang dalawa ang katahimikan sa naturang isyu, na kung saan pati ang mga pamilya nila ay nadadamay na.
Kasabay ding nakiusap si Bea na itigil na ang paggawa ng mga kuwento at pang-intriga at yung masasakit na salita laban sa kanila ng ex-boyfriend.
Pagbigyan daw muna sila ng privacy habang patuloy pa nilang ginagamot ang mga sarili dulot ng naturang pangyayari.
At sa ngayon nga ay nakiusap si Bea na hayaan na muna sila ni Dominic para sa kanilang single life, with respect, kindness and compassion, huh!
***
VALENTINE’ Day na bukas.. siyempre may kanya-kanyang ka-Valentine ang karamihan sa mga celebrities.
Deretsahang itinanong kay Donny Pangilinan kung sino ang makakasama niya sa Araw ng mga Puso.
“Well, makakasama ko yung mga nasa set, magte taping kami ng Can’t Buy Me Love,” say pa ni Donny.
Siyempre kasama ng young aktor si Belle Mariano. May mga kukunan daw na eksena na out of town.
“Okey lang naman sa amin yun. Sanay na kami mag-shoot. Last year kasi, we didn’t have work but this year medyo busy,” dagdag pa ng Kapamilyang aktor.
Nang tanungin naman si Donny kung siya ba ay isang romantiko ay hindi raw niya alam.
Paliwanag pa niya na hindi raw naman siya ang dapat sumagot niyan kundi yung mga tao na nakakasama niya, huh!
“Ang weird naman kung ako pa ang magsasabi kung gaano ako ka-romantic. Ang masasabi ko lang, eh dapat mag-extra effort ako in the smallest things.
“Like yung mga maliliit na bagay like yung writing letters or sending small notes or simple small things that remind you of that person,” paliwanag ni Donny.
Kamakailan lang at nagselebryt ng kanyang 26th birthday si Donny. Pagmamalaki pa ng aktor na sobrang naramdaman daw niya ang suporta at pagmamahal sa kanya ng mga tagahanga niya.
Kahit raw kasi may okasyon o wala ay naramdaman daw niya ang init ng pagmamahal ng mga fans niya.
“A lot of times, I’ve had ten cakes sent to me by my supporters, when everyone they visit my events or stuff. Para sa akin romantic na yun,” lahad pa rin ni Donny.
(JIMI C. ESCALA)
-
Rep. Arnulfo Teves sinuspinde ng 60-araw ng Kamara
PINATAWAN ng 60-araw na suspension si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves dahil sa pagliban sa session ng House of Representatives. Umabot sa 292 na mga mambabatas ang bumoto na pumabor sa ulat ng House committee on ethics and previleges dahil sa hindi nito pagpasok kahit natapos na ang kaniyang authority to […]
-
Hindi magpapalabas ng sertipikasyon ang militar kung gagamitin lamang ito bilang confidential fund
SA PAGTESTIGO ng apat na opisyal ng militar sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, sinabi nila na hindi sila sana nagpalabas ng certifications para sa Youth Leadership Summits (YLS) kung batid nila na gagamitin ito ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ni Vice President Sara Duterte, para sa P15 […]
-
Riding-in-tandem arestado sa pagwawala at pagpalag sa pulis
ARESTADO ang isang rider at angkas niyang bebot matapos magwala at pumalag sa mga pulis makaraang hindi pansinin ang isinagawang Oplan Sita habang sakay sa isang motorsiklo sa Malabon city. Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang mga naaresto na si Christopher Garcia, 40 ng Legarda St. Sampaloc Manila at Melani […]