• November 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Binata kulong sa marijuana

KALABOSO ang isang 21-anyos na binata matapos makuhanan ng marijuana makaraang masita ng mga pulis dahil sa hindi pagsuot ng facemask sa Valenzuela City.

 

Kinilala ni Valenzuela Police Chief Col. Fernando Ortega ang naarestong suspek na si John Azer Co, 21, ng 28 C. Palo Alto St. Brgy. Marulas.

 

Ayon kay Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PCpl Pamela Joy Catalla, alas-9:45 ng gabi, nagsasagawa ng beat patrolling sa Market St. harap ng Rikkos Roasted Chicken, Brgy. Marulas ang mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 3 na si PCpl Reynaldo Panao at PCpl Mark Jayson Cantillon sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Maj. Joebie Astucia nang masita nila ang suspek dahil walang suot na facemask.

 

Nang isyuhan ng ordinance violation receipt (OVR) ay umiwas at pumalag ang suspek kaya’t inaresto nila ito at nang kapkapan ay nakuha sa kanya ang anim na plastic sachets na naglalaman ng aabot sa 2 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana.

 

Kasong paglabag sa Art 151 (Resistance and Disobedience) of RPC at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Wagi rin sina Dennis. Juancho at Barbie: ANDREA, pararangalan sa ‘7th GEMS Awards at kinabog si JULIE ANNE

    NAG-POST si Suzette Doctolero, creative writer ng “Maria Clara at Ibarra,” ng listahan ng mga nagsipagwagi sa 7th GEMS Awards.        Ang GEMS – Hiyas ng Sining ay isang samahang nagbibigay pagkilala sa mga katangi-tanging alagad ng sining sa larangan ng Panulat, Digital, Tanghalan, Radyo, Telebisyon at Pelikula.     Sa ikapitong taong pagpaparangal […]

  • Ads September 5, 2022

  • Takas na wanted na Japanese National, ipapa-deport dahil sa fraud at money laundering

      NAKATAKDANG ipa-deport ang isang Japanese national na wanted ng mga awtoridad sa Tokyo dahil sa fraud at money laundering.       Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na si Hiroyuki Kawasaki, 37, ay inaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 habang ito ay papasakay sa Philippine Airlines patungong Singapore.     […]