• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BINATA NAGBIGTI SA ILALIM NG TULAY

ISANG 21-anyos na binata ang nagpasyang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa ilalim ng tulay makaraang iwanan umano ng kanyang girlfriend sa Malabon city.

 

Kinilala ang biktima na si Sonny Boy Castillo, 21, ng 142 Azucena St. Merville Tanza, Navotas city.

 

Sa report nina police investigators PSSg Jeric Tindugan at PCpl Renz Marlon Baniqued kay Malabon police chief Col. Angela Rejano, dakong 7 ng umaga nang makita ni Roberto Villador, 48, ang biktima na nakabigti gamit ang lubid sa ilalim ng Tanza-Hulong Duhat Bridge sa Women’s Club St. Brgy. Hulong Duhat.

 

Kaagad ipinaalam ni Villador ang natuklasan sa naka-duty na PSTMO na si Roberto Cabading na siya namang nag-report ng insidente sa pulisya.

 

Sa pahayag sa pulisya ng kaibigan ng biktima na si Reymart Diaz, noong nakaraang January 15, 2021 ay nagtangkang magpakamatay si Castillo sa pamamagitan ng paghiwa sa kanyang pulso.

 

Sumunod na araw dakong 3:30 ng hapon, narinig umano ni Diaz na sinabi ng biktima sa video call nila ng kanyang girlfriend “Sabagay naman sinasaktan kita, at para hindi kana masaktan, mas mabuti na mawala na lang ako”.

 

Gumawa naman ng isang waiver ang ina ng biktima na si Ma. Cecilia Cayanan na hindi siya interesado sa kahit anung gagawin imbestigasyon at autopsy ng pulisya dahil naniniwala siya na walang foul play sa pagkamatay ng kanyang anak. (Richard Mesa)

Other News
  • E-sabong isama sa mga illegal gambling – PNP

    NAIS ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. na isama ang e-sabong sa listahan ng mga illegal gambling sa bansa.     Ayon kay Azurin, inirekomenda ng Anti Cybercrime Group sa Kongreso ang pagsasama ng e-sabong sa ilegal na sugal na may parusa sa ilalim ng Presidential Decree 1602.     Sinabi […]

  • Ginugunita ang 3rd year death anniversary ng Black Mamba

    Ginugunita ngayong Huwebes (Friday PH time) ang ikatlong anibersaryo ng malagim na pagbagsak ng helicopter na kumitil sa buhay ni Los Angeles Lakers superstar Kobe Bryant.   Sa oras ng aksidente, ang NBA legend ay 41 taong gulang.   Ang biglaang pagkamatay ng multi-time NBA at Olympic champion ay gumulat  sa basketball community at sa […]

  • IATF, inaprubahan ang vaccination certificates ng mas marami pang bansa

    INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Linggo ang “acceptance and recognition” ng national COVID-19 vaccination certificates ng Egypt, Maldives, Palau, Albania, Estonia, Greece, Malta at Uruguay.     Ito’y naglalayon ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles para sa arrival quarantine protocols, at maging interzonal/intrazonal movement.     Karagdagan aniya […]