Binata tinodas sa loob ng bilyaran
- Published on January 9, 2021
- by @peoplesbalita
Dedbol ang isang binata matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek sa loob ng bilyaran sa Malabon city, Huwebes ng gabi.
Dead on arrival sa Ospital ng Malabon sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo ang biktimang si Ace Bade alyas “Love”, 37 ng 175 Samaton C. Perez St. Brgy. Tonsuya.
Sa report nina PSMS Darwin Concepcion at PSSg Diego Ngippol kay Malabon police chief Col. Angela Rejano, dakong 9:55 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng isang Billiard Hall sa 16 C. Perez St. Brgy. Tonsuya.
Batay sa imbestighasyon, nasa loob ng naturang bilyaran ang biktima nang biglang lumapit ang mga suspek at walang sabi-sabing barilin ito ng dalawang beses sa ulo ng gunman na nakasuot ng bonnet, blue/black t-shirt at short habang nagsilbing back-up ang kasama nito.
Matapos ang insidente, parang walang nangyaring naglakad patakas ang mga suspek patungo sa hindi matukoy na direksyon habang isinugod naman ang biktima ng kanyang mga kaanak sa naturang pagamutan.
Patuloy naman ang follow-up imbestogasyon ng pulisya sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam pa ang tunay na motibo sa insidente. (Richard Mesa)
-
Mahigit P11M halaga ng tulong, naipamahagi na sa mga biktima ng lindol sa Mindanao
NAIPAMAHAGI na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mahigit sa P11 milyong halaga ng tulong sa mga pamilya na labis na naapektuhan ng malakas na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao, araw ng Biyernes. Sa katunayan, tinatayang may 1,1015 benepisaryo ang nakatanggap ng food packs sa munisipalidad ng […]
-
Digital version ng National ID tatanggapin sa passport application – DFA
TATANGGAPIN na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang printed digital version ng PhilSys ID o mas kilala sa tawag na national ID, bilang valid identification card para sa mga aplikante ng pasaporte. Sa isang pahayag noong Biyernes, sinabi ng DFA na kikilalanin ng Office of Consular Affairs simula Oktubre 21, ang digitized […]
-
JOEM, naniniwalang makababangon muli ang ABS-CBN ‘pag nabigyan ng bagong prangkisa; ini-enjoy ang pagiging ama
ISANG taon na ang nakalipas mula nang maipasara ng Kongreso ang ABS-CBN dahil sa kawalan ng prangkisa nito. Pero kahit na walang prangkisa ang network ay patuloy pa rin si Joem Bascon sa pagtratrabaho sa network. Joem had been working sa ABS-CBN since he was 19 and after 15 years ay […]