• April 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Binata tinodas sa loob ng bilyaran

Dedbol ang isang binata matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek sa loob ng bilyaran sa Malabon city, Huwebes ng gabi.

 

Dead on arrival sa Ospital ng Malabon sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo ang biktimang si Ace Bade alyas “Love”, 37 ng 175 Samaton C. Perez St. Brgy. Tonsuya.

 

Sa report nina PSMS Darwin Concepcion at PSSg Diego Ngippol kay Malabon police chief Col. Angela Rejano, dakong 9:55 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng isang Billiard Hall sa 16 C. Perez St. Brgy. Tonsuya.

 

Batay sa imbestighasyon, nasa loob ng naturang bilyaran ang biktima nang biglang lumapit ang mga suspek at walang sabi-sabing barilin ito ng dalawang beses sa ulo ng gunman na nakasuot ng bonnet, blue/black t-shirt at short habang nagsilbing back-up ang kasama nito.

 

Matapos ang insidente, parang walang nangyaring naglakad patakas ang mga suspek patungo sa hindi matukoy na direksyon habang isinugod naman ang biktima ng kanyang mga kaanak sa naturang pagamutan.

 

Patuloy naman ang follow-up imbestogasyon ng pulisya sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam pa ang tunay na motibo sa insidente. (Richard Mesa)

Other News
  • PWAI kinalampag ang POC

    MALAKAS na kinalampag ng isang nagmamalasakit sa weightlifting at opisyal din ng Philippine Weightlifting Association, Inc. (PWAI) ang Philippine Olympic Committee executive board , si POC president Abraham Tolentino, at si POC Membership Committee chairman Bones Floro.   Pinapanawagan ni elected PWAI director at appointed treasurer Felix Tiukinhoy sa POC na saklolohan silang makapag-eleksiyon ng […]

  • SHARON, isiniwalat na si PARK HYUNG SIK ang bagong kinahuhumalingan na Korean actor

    HINDI na naman nakapagpigil si Megastar Sharon Cuneta na patulan ang isang basher na nag-comment sa IG post niya humihingi ng tulong at suhestyon sa ating mga kakabayan.          Sabi ng basher, “Share mo na lang kaya ang blessings mo sa mga apektado yung walang camera ha…”     Kaya naman hindi ito […]

  • Maging handa sa mga hamon, totoong laban nagsisimula pa lang, maging tapat sa pagsisilbi sa bayan’

    BINIGYANG-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa 310 graduates ng Philippine Military Academy (PMA) MADASIGON Class of 2023 na maging handa sa mga hamon na kanilang kakaharapin ngayong magsisimula na sila sa kanilang serbisyo publiko.     Sabi ng Pangulo ang mga kadete ay hinasa at hinubog ng akademya para maging magagaling na mga opisyal […]