• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Binatilyo, obrero tiklo sa bato at damo sa Valenzuela

DALAWA, kabilang ang 15-anyos na binatilyo ang arestado matapos mabisto ang dala nilang iligal na droga makaraang masita sa pagdadala ng patalim at paglabag sa curfew sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

 

 

Sa report ni SDEU investigator PSSg Carlito Nerit Jr kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., habang nagpapatrolya ang mga tauhan ni Malinta Police Sub-Station (SS-4) Commander P/Cpt. Doddie Aguirre sa pangunguna ni PSMS Roberto Santillan, kasama si Barangay Tanod EX-O Mark Guerrero sa Masipag St., Pinalagad, Brgy. Malinta nang maispatan nila si alyas ‘Roger’, 49 ng Brgy. Arkong Bato na may bitbit na patalim, dakong alas-10 ng gabi.

 

 

Nang lapitan nila para kunin ang dala nitong patalim ay pumalag ang suspek subalit, nagawa din siyang maaresto ni Santillan kung saan nakuha sa kanya ang nasabing patalim at isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,040.00.

 

 

Bandang ala-1:45 naman ng madaling araw nang masita ng mga tauhan ni Police Sub-Station 5 Commander P/Cpt. Robin Santos ang isang binatilyo na si alyas ‘Totoy’ habang nagbibisikleta sa kahabaan ng Coloong Road 2, Brgy. Coloong dahil sa paglabag sa City Ordinances (curfew on minors).

 

 

Sa pahayag ng arresting officers, nang kunin ng binatilyo ang kanyang cellphone para tawagan ang mga magulang niya ay nahulog mula sa bulsa nito ang isang plastic na naglalaman ng nasa 10 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P1,200 at isang glass pipe na naglalaman din naturang droga.

 

 

Ani PSSg Nerit, mahaharap si ‘Roger’ sa mga kasong paglabag sa Illegal possessions of bladed, pointed or blunt weapons, Comprehensive of Dangerous Drug Act of 2002 at Article 151 of RPC habang tinurn-over naman sa pangangalaga ng CSWD ang binatilyo. (Richard Mesa)

Other News
  • HEALTHCARE IS NO.1 — PBBM

    NANGAKO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na titiyakin niya na ‘accessible’ ang medical care para sa bawat Filipino.   Inulit ng Pangulo ang kanyang ‘strong commitment’ na iprayoridad ang healthcare system sa Pilipinas.   “Number one talaga, number one para sa akin sa priority na ginagawa ng pamahalaan ‘yung healthcare,” ang sinabi ng Pangulo […]

  • The Daltons face-off against Paddy, played by James McAvoy, and his reign of terror in “Speak No Evil.”

    THE Daltons try to survive as their dream vacation turns into a psychological nightmare in Speak No Evil, the latest thriller from Blumhouse. In the film, the contrast between the Dalton family and Paddy’s family sets the tone for the insidious horror that simmers and eventually gets unleashed. The Daltons, an American family struggling with their life […]

  • P120K damo, nasabat sa 2 drug suspects sa Caloocan

    NASAMSAM ng pulisya ang mahigit P120K halaga ng marijuana sa dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City.     Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles ang naarestong mga suspek […]