• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Binigyan ng second chance pero walang pagbabago: JENNICA, tuloy ang pag-file para ma-annul ang kasal nila ni ALWYN

TULOY na ang pag-file ni Jennica Garcia para ma-annul ang kasal nila ng kanyang estranged husband na si Alwyn Uytingco.

 

 

 

Mas makabubuti raw ang annulment para tuluyan na silang maging malaya sa isa’t isa dahil wala na raw talagang balikan na maasahan sa kanilang dalawa.

 

 

 

Binigyan daw ni Jennica ng second chance noon pa si Alwyn, pero wala raw talagang nangyaring pagbabago.

 

 

 

Kinasal ang dalawa noong 2014 at naghiwalay noong 2021.

 

 

 

Three years nang hindi na ginagamit ni Jennica ang married name niya na Uytingco. Pero naging maingat si Jennica na magsalita ng hindi maganda tungkol kay Alwyn dahil sa kanilang dalawang anak na sina Mori at Alessi.

 

 

 

Pinabulaanan naman ni Jennica na ang reason ng pagpapa-annul niya ay dahil sa namumuong pagtitinginan daw nila ni Christian Bables na nagsimula sa teleserye na ‘Dirty Linen’.

 

 

 

Diin ni Jennica: “Wala po talagang romantic na dating or anything like that between me and Christian.”

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • ‘Epektibo agad’: DepEd inaprubahan boluntaryong face masks sa loob ng school

    MAAARI nang hindi magsuot ng face masks ang mga estudyante sa loob ng kani-kanilang mga silid-aralan laban sa COVID-19, ito kasunod ng ipinatupad ng Executive Order 7 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.     Ito ang kinumpirma ni Department of Education spokesperson Michael Poe, Martes, matapos tanungin ng media.     “We will follow [Executive […]

  • Nang mag-asawa at tumira sa Cebu: KAYE, natupad ang lahat nang pinapangarap sa buhay

    MULA nang pasukin ang showbiz ay sa Cavite nanirahan at doon na rin lumaki ang isang Kaye Abad.       Kung ilang beses na rin naman kaming naimbitahan ni Kaye sa bahay nila.       Pero nang mag-asawa ay sa Cebu na nanirahan ang magaling na Kapamilya aktres. Kagaya ni Donna Cruz ay […]

  • 5 INARESTO NG NBI SA PAMIMILIT AT PANGINGIKIL

    INARESTO ng mga ahente ng Bureau of Investigation (NBI) ang limang indibidwal dahil sa kasong Grave Coercion at  Robbery Extortion.     Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang mga suspek na sina Rowena Nava y Cuision, Jeffey Brequillo y Sanchez, Norman Solsona y Abella, Lando Banzon y Manio at Efren Dela […]