BIR inadjust ang floor prices ng sigarilyo, vape products at iba pa
- Published on June 7, 2023
- by @peoplesbalita
NAGLABAS ang Bureau of Internal Revenue Philippines (BIR) ng mga bagong tax update na nagre-regulate sa floor price ng Sigarilyo, Heated Tobacco, Vaporized Nicotine, at Non-Nicotine Products sa pamamagitan ng pag-isyu ng Revenue Memorandum Circular No. 49-2023 noong Mayo 5.
Alinsunod sa mga umiiral na batas, ang BIR ay may mandato na magbbigay ng floor price ng sigarilyo, heated tobacco, vaporized nicotine, at non-nicotine products. Ang floor price o minimum retail price ng mga nasabing produkto ay ang kabuuan ng Production Cost o ang Total Landed Cost habang pinagsama ang kabuuang Excise Tax at Value-Added Tax (VAT) ng produktong tabako.
Binabalaan naman ng BIR ang mga matigas ang ulo ng mga nagbebenta ng mga produktong tabako sa mas mababang presyo kaysa sa pinagsamang Excise Taxes at VAT na ipinataw sa ilalim ng batas ay mahigpit na ipinagbabawal.
Ayon sa BIR, ang sinumang lumabag ay kakasuhan ng kaukulang multa sa ilalim ng mga kaukulang probisyon ng National Internal Revenue Code ng 1997. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Piñol, magsisilbi bilang food security adviser kay incoming NSA Clarita Carlos
NAPILI si dating Department of Agriculture (DA) Secretary Emmanuel “Manny” Piñol para magsilbi bilang food security adviser kay incoming National Security Adviser (NSA) Clarita Carlos. “Yes . Actually, si Secretary Clarita Carlos kaibigan kong matagal na. She was my consultant when I was DA Secretary,” ayon kay Piñol. Ani Piñol, sinang-ayunan […]
-
Ads August 27, 2020
-
158 lugar nasa ilalim ng State of Calamity dahil sa bagyong Kristine
MAY KABUUANG bilang na 158 lugar ang idineklarang state of calamity matapos ang pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine. Base sa pinakabagong situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang Bicol Region ang mayroong ‘most cities at municipalities’ ang inilagay sa state of calamity. Nakapagtala ito ng 78. Kabilang […]