• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bishop Pabillo, nababahala sa mai-expired AstraZeneca vaccines

Nababahala si Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo hinggil sa mga dumating na karagdagang 2-milyong donated COVID-19 AstraZeneca Vaccines sa bansa noong nakaraang linggo.

 

 

Ito’y matapos makumpirma ng Department of Health na ang 1.5 doses ng nasabing vaccine ay mag-eexpired na sa Hunyo 30 at ang iba naman ay sa Hulyo 31.

 

 

Ayon kay Bishop Pabillo, nararapat lamang na bilisan na ng pamahalaan lalo’t higit ng DOH ang pamamahagi ng nasabing vaccine upang ito’y hindi na masayang pa.

 

 

Gayundin, dagdag ng Obipso na higit rin itong makatutulong sa mga Filipino upang magkaroon na ng kapanatagan at kaligtasan laban sa epekto ng COVID-19 pandemic.

 

 

“Kaya nga dapat mas maging systematic at mas maging mabilis ang pamamahagi ng mga AstraZeneca vaccines na ‘yan para hindi po ma-expired. Sa halip na makatulong na sa tao, masasayang pa kapag na-expired ‘yan,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

 

 

Samantala, nauna nang sinabi ng dating miyembro ng National Task force on COVID-19 na si Dr. Tony Leachon na dapat nang humingi ng tulong ang pamahalaan sa mga pribadong sektor upang mapabilis na ang pamamahagi ng vaccines.

 

 

Paliwanag ni Leachon na masyadong mababa ang average rate ng vaccination sa Pilipinas na aabot lamang sa 30,000 hanggang 60,000 kada araw, pahiwatig na malabong maubos ang AstraZeneca vaccines bago magtapos ang Hunyo.

 

 

Mayroon namang inaayos na plano ang pamahalaan para agad na maipamahagi ang mga bakunang malapit nang mawalan ng bisa.

 

 

Ayon sa DOH, kanilang ipapamahagi ang nasa 1.5 milyon na bakuna na mag-eexpire sa susunod na buwan bilang unang dose, habang ang natitira naman na nasa 525,000 ay ipapamahagi bilang pangalawang dose ng mga nauna nang nakatanggap ng AstraZeneca vaccine.

 

 

Batay sa huling ulat, umabot na sa higit 3-milyong Filipino na ang nabakunahan laban sa COVID-19, na karamiha’y senior citizens, persons with comorbidities at mga health workers.

 

 

Inaasahan naman ng Pilipinas na mababakunahan ang nasa 70 milyong indibidwal ngayong taon upang maabot ang herd immunity laban sa nakahahawa at nakamamatay na sakit na nakaapekto na sa higit 1-milyong Filipino. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • SSS sa mga miyembro, magsimula nang mag-impok para sa retirement

    HINIKAYAT ng State-run Social Security System (SSS) ang mga miyembro nito na simulan na ang mag-impok para sa kanilang retirement sa ilalim ng muling ipinakikilalang savings program na maaaring umani ng mas mataas na annual return.       Sa isang kalatas, sinabi ni SSS president at CEO Rolando Macasaet na ang mga miyembro ay […]

  • Seguridad para sa ‘pilot’ face to face classes, maaasahan – PNP

    Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na plantsado na ang seguridad para sa pilot implementation ng face-to-face classes sa National Capital Region (NCR) na nagsimula, December 6.     Ayon kay PNP Chief, Police General Dionardo Carlos, mayroon silang listahan ng mga kasaling paaralan kung saan aasahan ang deployment ng kanilang mga police personnel.   […]

  • Bigayan ng ayuda, vaccination sites posibleng ‘super spreader’ ng virus

    Posibleng maging “super spreader” ng virus ang mga kasalukuyang ginaganap na bigayan ng ayuda at maging ang “vaccination” ng mga lokal na pamahalaan dahil sa pagkukumpulan ng mga tao sa mga venue.     “This is a possible super spreader event lalong lalo na kung kumpulan yung tao at enclosed yung space,” ayon kay Health […]