• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Bitbit,’ bagong modus ng human trafficking – BI

BINALAAN  ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang publiko hinggil sa nadiskubre nilang panibagong human traffic­king scheme na nanghihikayat ng mga kababaihan upang magtrabaho bilang sex worker sa ibang bansa.

 

 

Ayon kay Tansingco, isang babaeng biktima ng naturang bagong trafficking scheme ang nasagip nila noong Marso 22 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 habang nagtatangkang lumabas ng bansa patungo sa Kota Kinabalu, kasama ang kanyang umano’y ‘partner.’

 

 

Nagpakilala umano ang male trafficker at kanyang biktima bilang live-in partners na bibiyahe sa abroad upang magbakasyon.

 

 

Gayunman, nang i-check ng immigration officers ang rekord ng lalaki ay nadiskubreng kabibiyahe lang nito sa Malaysia kama­kailan at may kasama rin itong ibang babae na ipinakilala rin niya bilang live-in partner.

 

 

Ang naturang babae ay hindi pa umano bumabalik sa Pilipinas hanggang sa kasalukuyan.

 

 

Nabatid na ang biktima ay kaagad na itinurn-over sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa assistance, habang ang trafficker ay posibleng maharap sa kasong paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022.

 

 

Nanawagan din si Tansingco sa mga kababaihan na huwag pumayag sa mga ganitong kondisyon upang makapagtrabaho lamang sa ibang bansa upang makaiwas sa kapahamakan.

 

 

Tinukoy pa niya ang isang kaso noong 2023 kung saan ang biktima ay ilegal na isinakay sa isang sailboat sa Palawan upang ibiyahe sa Malaysia.

 

 

Ang biktima ay ibiniyahe umano sa mabubundok na lugar upang marating ang isang hotel sa Sibu, Malaysia kung saan sila ibinabahay bilang sex workers.

 

 

Doon ay binihag umano ang babae at hindi pinapakain hanggang hindi ginagawa ang iniuutos sa kanya ng kanyang mga captors.

 

 

Pinuwersa rin umano siya ng mga ito na sumailalim sa aborsiyon matapos na madiskubreng siya ay nagdadalang-tao. (Gene Adsuara)

Other News
  • Dahil nakapag-guest na sina Cassy at Mavy: CARMINA, bukas sa posibilidad na makasama rin sa serye si ZOREN

    NAKAPAG-GUEST na sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’ ang kambal na anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na sina Cassy at Mavy Legaspi, at dahil extended nga ang show, may posibilidad kaya na mag-guest naman si Zoren sa show? “Ay why not? Malay mo naman, di ba,” reaksyon ni Carmina sa tanong namin sa aktres. […]

  • Ads November 18, 2023

  • POGO probe tatapusin na ng Senado

    UPANG hindi malihis ang imbestigasyon, iginiit ni Sen, JV Ejercito na tapusin na ang pagdinig na ng Committee on Women, Children, Family Relations at Gender Equality sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).     Sinabi ni Ejercito na iminungkahi niya kay Sen. Risa Hontiveros, chair ng komite na tapusin na ang pagdinig dahil nagiging talkshow […]