Biyahe ng trains sa MRT 3 mababawasan dahil sa COVID-19
- Published on July 6, 2020
- by @peoplesbalita
Simula noong Linggo, July 5 ay mababawasan ang biyahe ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) matapos na mag- positibo ang may 127 na workers ng depot.
Mula sa dating average na 16 hanggang 19 trains na tumatakbo, ito ay magiging 12 trains na lamang dahil ang mga workers ay mababawasan dahil sila ay nag-positibo sa COVID-19.
Ang mga nasabing workers ay naka-deploy sa North EDSA maintenance works at repairs kung saan sila ay sumailalim sa polymerase chain reaction (PCR) test ang mga ito.
“There are 124 employees of the rail line’s maintenance provider Sumitomo Corp.- Mitsubishi Heavy Industries-ES Philippines while the rest are the rail line’s depot workers,” wika ni Department of Transportation (DOTr) undersecretary Timothy John Batan.
Ayon sa DOTr may 46 na workers ang naka-home quarantine, 74 ay nasa mga isolation facilities ng pamahalaan at ang 7 naman ay nasa pangangalaga ng mga local government units.
Unang naitala ang kaso ng COVID-19 noong June 22 kung saan ang mga empleyado ay nakatalaga sa MRT’s quality control section.
“We are assuring the public that no station personnel, who usually come in contact with passengers were infected,” ayon naman kay MRT3 operations director Michael Capati.
Ayon sa MRT, ang mga MRT 3 trains ay sumasailaim sa disinfection ng dalawang beses sa isang araw kada sang train trip. Ginagawa ito sa North Avenue sa Quezon City at sa pagdating sa Taft Avenue station sa Pasay.
Para naman mabawasan ang mga naghihintay na mga pasahero, ang MRT 3 ay maglalagay din ng mga buses upang maisakay ang mga pasahero.
Samantala, may 700 na mga empleyado ng MRT 3 ang nag- negative sa ginawang rapid antibody test sa mga ito.
Habang patuloy an gginagawang anti-rapid test sa mga empleyado ng MRT 3 ay patuloy din ang ginagawang contact tracing sa mga nakasalimuha ng mga nag positive na workers sa North Depot. (LASACMAR)
-
Banggaan nina Beauty at Max, tiyak na tututukan: Sen. BONG, muling bubuhayin ang iconic role niya na ‘Tolome’
ANG hit and classic film na “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” ay nakakakuha na ng spinoff sa small screen sa pamamagitan ng GMA Network. Mula sa pagiging isang iconic film hanggang sa isang action-comedy series, ang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” ay pagbibidahan ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., […]
-
Movies na kasama sina Sharon at Coco, malabo pa: Sen. BONG, sisimulan na ang ‘Alyas Pogi 4’ at planong isali sa MMFF
NAGKAROON kami ng pagkakataon na makausap at magpasalamat na rin sa aktor at politician na si Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. Pinasyalan namin ang aktor, producer, politician sa kanyang opisina sa senado kasama ang mga opisyales ng Philippine Movie Press Club. Siyempre pinasalamatan agad namin si Sen. Bong sa dahil sa maagang pagpaşa at pirmado […]
-
2 bebot arestado sa shabu sa Caloocan at Navotas
Bagsak sa kulungan ang dalawang babae, kabilang ang katulong ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) matapos makuhanan ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan at Navotas cities. Kinilala ni DDEU chief P/Major Ramon Aquiatan Jr. ang suspek na si Jeremiah Dimia, 33 ng 122 Guido 2 St. Maypajo Brgy. 33, Caloocan city. […]