Biyaheng SoKor, pwede na ulit
- Published on March 4, 2020
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA ng Malakanyang na inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na payagan ang mga Filipino na bumiyahe patungong South Korea maliban sa buong North Gyeongsang Province, kabilang na ang Daegu City at Cheongdo County, kung saan ang virus outbreak ay concentrated.
Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na ito ang napagdesisyunan sa isinagawang 9th IATF Meeting kasama ang Department of Health – Central Office kung saan ay tinalakay ang kalagayan ng sitwasyon ng (COVID-19).
Ang lahat ng mga Pinoy na naghahangad na bumisita sa ibang bahagi ng South Korea ay kailangang gumawa at lumagda ng isang deklarasyon na nagpapahiwatig na batid at naiintindihan nila ang panganib na kaakibat ng kanilang pagbyahe.
Isang health advisory pamphlet ang bitbit ng mga ito sa kanilang pag-alis ng bansa.
Sa kabilang dako, ang pag-ban o pagbabawal na magpa-pasok ng mga foreign nationals na bumiyahe mula North Gyeongsang Province, kabilang na ang Daegu City at Cheongdo County, sa teritoryo ng Pilipinas ay nananatiling epektibo.
“Guided by the Health Security Risk Assessment Matrix, which evaluates the hazard, exposure and context relative to the risks involved, the IATF has also agreed that there are to be no new imposition of travel restrictions or lifting of the same as regards other countries or jurisdictions. The IATF assures that the review concerning travel restrictions and protocols to and from the Philippines shall be regularly conducted by it,” ang paliwanag ni Sec. Panelo.
Samantala, naghahanda naman ngayon ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa repatriation ng 148 Filipino mula Macau via chartered flight, habang inaayos naman ng Overseas Workers Welfare Administration ang pag-repatriate ng 48 na aktibong miyembro sa pamamagitan ng isang commercial flight.
Ang IATF ay kinabibilangan ng mga miyembro ng ahensiya ng pamahalaan, at nananatiling “on top of the situation” kontra COVID-19 at ang Office of the President (OP) naman ay kinikilala ang konkretong pagsisikap sa pakikipaglaban sa nasabing virus habang nilalayon ng pamahalaan na protektahan ang kaligtasan at kalusugan ng lahat ng mga mamamayang Filipino. (Daris Jose)
-
IATF, binawi ang requirement sa college students na dadalo sa face-to-face classes na magkaroon ng medical insurance
INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang rekumendasyon ng Commission on Higher Education (CHEd) na bawiin ang medical insurance requirement para sa mga college students. “Dahil na rin sa rekomendasyon ng Commission on Higher Education, Seksyon IV, item “H” ng CHED-DoH Joint Memorandum Circular NO. […]
-
Eleazar pinagtanggol ang balak na pag-aarmas sa mga civilian volunteers
Ipinagtanggol ni PNP chief General Guillermo Eleazar ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-armas sa anti-crime civilian volunteers. Sinabi nito na ang nasabing hakbang ay para sa volunteerism at hindi vigilantism. Pagtitiyak nito sa Commission on Human Rights (CHR) na hindi maaabuso ito ng mga sibilyan. Dadaan daw sa […]
-
Istriktong ipatupad ang indoor at transport face mask rule
PINAALALAHANAN ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” C. Abalos Jr. ang mga local government units (LGUs) na istrikto pa ring ipatupad ang mga polisiya sa pagsusuot ng face mask sa mga indoor areas at mga pampublikong transportasyon. Ang paalala ay ginawa ni Abalos, kasabay nang pagpapahayag niya […]