• April 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Black tamang sundan ang ama

MUKHANG hindi nagkamali si Aaron Black na sundan ang kanyang ama na maging basketball player din.

 

Tila naging pamantayan ng anak ni Meralco Bolts coach Norman Black, na lahat ng mga baguhan may pagkakataong ipakita ang husay magtiyaga’t magsipag lang, may mararating din ura-urada.

 

Tinanghal si Aaron na pinakamababang pick, second round, 18th overall na nagwagi ng Outstanding Rookie sa Virtual 45th Philippine Basketball Association (PBA) Annual Awards Night nitong Linggo, Enero 17.

 

Ineklipsehan ng 23 taong-gulang, may taas na 6-1 ang rekord ni Larry Fonacier ng North Luzon Expressway na naging 2005 Rookie of the Year makalipas huguting ika-14 sa PBA Rookie Draft ng Red Bull.

 

Malimit mapagwagian ng isang top rookie pick ang karangalang isang ulit lang napapanalunan ng basketbolista.

 

Sinorpresa ni Aaron sina 2019 top pick Roosevelt Adams ng Terrafirma Dyip, Arvin Tolentino ng Barangay Ginebra San Miguel Gin iIngs, Kevin Barkley Eboña ng Alaska Milk Aces, at Aris Dionisio ng Magnolia Hotshots Pambansang Manok.

 

Hindi rin pinakawalan ni Aaron ang pambihirang tiwala ng kanyang amang si Norman, 63, ang 11-time PBA champion coach, at two-time Best Import nang kabataan niya sa liga.

 

“It was a big motivational factor for me,” wika ng nakababatang Black. “Being drafted in the second round as well as playing for my dad, that’s a big thing.

 

Saludo ang Opensa Depensa sa iyo Aaron. Pamarisan ka ng mga susunod sa iyo. (REC)

Other News
  • Riding-in-tandem arestado sa pagwawala at pagpalag sa pulis

    ARESTADO ang isang rider at angkas niyang bebot matapos magwala at pumalag sa mga pulis makaraang hindi pansinin ang isinagawang Oplan Sita habang sakay sa isang motorsiklo sa Malabon city.     Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang mga naaresto na si Christopher Garcia, 40 ng Legarda St. Sampaloc Manila at Melani […]

  • Kai Sotto nagpatattoo; NBA player na ang dating

    Ikinagulat ng fans ang video na naka-post sa Instagram ni NBA G-League player Kai Sotto kung saan makikitang puno ng tattoo ang kanang braso nito na parang manlalaro na ng National Basketball Association (NBA).   Walang caption pero may tatlong fire emojis ang post na video ng 7-foot-2 na si Sotto at ipinakikitang  may bagong […]

  • Listahan ng 4Ps, pina-update

    BUNSOD na rin sa inaasahang libong benepisaryo ng 4Ps na kabilang sa mawawala sa susunod na taon (2025), hiniling ng mga mambabatas na mgkaroon ng update sa poverty mapping sa nasabing Pantawid Program.     Sa House Resolution 2085 na inihain nina 4Ps Partylist Rep. JC Abalos at House Minority Leader Marcelino Libanan, nanawagan ang […]