• March 31, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Blackwater parurusahan ng PBA; iligal na nag-ensayo

Nabisuhan ni Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Willie Marcial ang management ng Blackwater upang magpaliwanag kaugnay sa sinabi sa interview ng may-ari ng team sa national television na sumabak na sa workout ang Elite noong nakaraang linggo.

 

Sa sulat na pirmado ni Marcial na may petsang July 14 at naka-address  kay team governor Silliman Sy, tinatanong ng liga kung ano ang tunay na nangyari sa umano’y isinagawa nilang iligal na practice session.

 

Kahit pa binigyan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ng go-signal ang PBA na magbalik sa ensayo, sinisilip pa umano ng liga na simulan ang pormal na ensayo sa July 22 kapag sumailalim na ang lahat ng manlalaro at personnel sa swab testing procedure base na rin sa isinumiteng health protocols.

 

Nakalulungkot umano na agad nang sumabak ang Elite sa ensayo base sa sinabi ng may-ari ng koponan na si Dioceldo Sy sa isang television interview.

 

Ayon sa interview, sinabi ni Sy na kasama niya sina Phoenix coach Louie Alas at NorthPort team governor Eric Arejola na nagsagawa ng ensayo noong Sabado kungsaan hinati umano ang walong manlalaro sa tig-apat at kada session ay tumatagal ng isang oras kasama ang shootaround at conditioning.

 

Sa ilalim nang inaprubahang IATF protocols na ibinigay ng liga, tanging apat na manlalaro kasama ng kanilang coach at safety officers ang papayagan sa loob ng training facility.

 

Kahit umano sinunod ng Elite sa ilang mga protocol, nais pa rin umanong kuhanin ni Marcial ang paliwanag ng koponan sa pagsasagawa nito ng training ng mas maaga kumpara sa ibang teams.

 

Matatandaang pinarusahan ng liga si Ginebra center Japeth Aguilar dahil sa pagsabak nito sa ensayo kasama ang ilan pang sikat ng manlalaro sa gym sa San Juan City, Metro Manila.

Other News
  • Dahil marami silang napaligaya: VILMA, nakikiusap na ibalik ang two-week show ni LUIS

    NAKIKIUSAP pala ang “Star for All Season” Vilma Santos para ibalik ang “It’s Your Lucky Day” ng anak na si Luis Manzano.       IG post ni Luis ng isang video asking his momshie: “gusto mo bang ibalik ang “It’s Your Lucky Day?”     Sagot ni Ate Vi” “Yes na yes, 200 percent.  You […]

  • 203 bagong COVID-19 cases sa Phl naitala; 41 labs ‘di nakapagsumite ng datos – DOH

    Aabot lang sa 203 ang bilang ng bagong COVID-19 cases sa Pilipinas matapos na 41 laboratoryo sa bansa ang sinuspinde ang kanilang operations at hindi nakapagsumite ng datos dahil sa Bagyong Odette.     Sinabi ng Department of Health (DOH) na 395 pa ang gumaling sa sakit, at 64 ang nadagdag sa mga nasawi.   […]

  • PCSO Strengthens Anti-Corruption Fight

    The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) calls and remind the public to be a part of the fight against irregularities, anomalies and corruption in the government. One of the preventive measures that the Agency has called out is to prompt the public to go through the right processes and to transact only in the identified […]