Blinken, tinalakay ang ginawa ng Tsina sa West Philippine Sea sa Philippine counterpart
- Published on June 21, 2024
- by @peoplesbalita
PINAG-USAPAN nina U.S. Secretary of State Antony Blinken at Philippine Foreign Secretary Enrique Manalo ang naging aksyon ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS), kapwa tinawag ng mga ito na “escalatory.”
Kinondena ng Britain, Canada at Estados Unidos ang naging hakbang ng Tsina, ang bagong coast guard rules pinapayagan ito na i-detain ang mag trespassers ng walang paglilitis na naging epektibo noong Hunyo 15.
Inangkin kasi ng Tsina ang halos buong WPS kabilang na ang Second Thomas Shoal, kung saan pinapanatili ng Pilipinas ang isang warship, ang Sierra Madre, nakasadsad simula pa noong 1999 para palakasin ang soberanya na may maliit na crew.
Sinasabing, naging maasim na ang relasyon sa pagitan ng Maynila at Beijing sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, dahil sa pagsuporta ng Estados Unidos sa Southeast Asian nation sa maritime disputes sa Tsina.
Naging tensyonado naman ang ugnayan ng Washington sa Beijing sa nakalipas na mga taon dahil sa mga usapin ng “Taiwan, trade tariffs, ang “pinagmulan” ng COVID-19 pandemic, giyera sa Ukraine, technology disputes at intellectual property, bukod sa iba pa.”
“Blinken and Manalo’s discussion “followed (China’s) dangerous and irresponsible actions to deny the Philippines from executing a lawful maritime operation in the South China Sea on June 17,” ang sinabi ng State Department sa isang kalatas matapos ang nasabing pag-uusap.
“Blinken emphasized that China’s actions “undermine regional peace and stability and underscored the United States’ ironclad commitments to the Philippines under our Mutual Defense Treaty,” ayon pa rin sa State Department.
Samantala, napaulat na may isang mandaragat ng Pilipinas ang dumanas ng ‘serious injury’ matapos ang naging paglalarawan ng militar bilang “intentional-high speed ramming” ng Chinese Coast Guard, layon na guluhin at gambalahin ang routine resupply mission noong Hunyo 17.
Sinabi pa ng Philippine military na dahil sa insidente ay nawasak ang vessels ng Maynila.
Pinabulaanan naman ng Coast Guard ng Tsina ang bagay na ito, ang dahilan nito ay “Manila’s vessel deliberately and dangerously approached a Chinese ship in an unprofessional manner, forcing it to take control measures, including “boarding inspections and forced evictions”. (Daris Jose)
-
Mindoro humakot ng mga coach
Kung ang ilang mga koponan mga manlalaro ang sinusungkit upang magpalakas, iba naman ang Mindoro Tamaraws na naghahanda sa 4th Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) 2020-21. Humakot ang team ng coaching staff sa pangunguna ni former University Athletic Association of the Philippines (UAAP) coach Joe Silva na minsang nagmando sa University of the East […]
-
Pagbubukas ng klase tuloy kahit may monkeypox – DOH
WALA umanong dahilan para maantala ang pagbubukas ng klase sa Agosto 22 sa kabila ng pagkakadiskubre ng unang kaso ng monkeypox sa bansa dahil sa mga itinakdang “safeguards” ng pamahalaan, ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire. Sinabi ni Vergeire na katuwang ang Department of Education (DepEd) ay palalakasin nila […]
-
PBBM, hinikayat ang ASEAN na i- adopt ang mga hakbang para pigilan ang agresyon ng Tsina sa SCS
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Huwebes sa mga kapwa niya Southeast Asian leaders na i-adopt ang mga hakbang na makapagpahinto sa ‘aggressive actions at harassment’ ng Tsina sa South China Sea (SCS). Sa kanyang interbensyon sa 27th ASEAN-China Summit sa Laos, sinabi ni Pangulong Marcos na nakapanghihinayang na ang overall […]