Blue Eagles susukatin ang Falcons; Archers haharap sa Tamaraws
- Published on April 2, 2022
- by @peoplesbalita
PUNTIRYA ng nagdedepensang Ateneo at La Salle na mapanatiling malinis ang rekord sa pagharap sa magkahiwalay na karibal sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Aarangkada ang Blue Eagles laban sa Adamson Falcons ngayong alas-10 ng umaga, habang titipanin ng Green Archers ang Far Eastern University Tamaraws sa ala-1 ng hapon.
Masisilayan din ang duwelo ng University of the Philippines at National University sa alas-4 ng hapon kasunod ang bakbakan ng University of the East at University of Santo Tomas sa alas-7 ng gabi.
Magkasosyo ang Ateneo at La Salle sa liderato tangan ang parehong 2-0 marka.
Sa kabila ng magtikas na rekord, ayaw pakampante ni Blue Eagles head coach Tab Baldwin kaya’t tutok ang kanyang mga bataan sa Soaring Falcons.
“Those wins are behind us. They’re irrelevant. The only game that matters is Adamson now. We just worry about what’s in front of us,” ani Baldwin.
Mapapalaban ang Ateneo sa Adamson na galing sa matikas na 82-66 panalo sa UE noong Martes.
Solido rin ang La Salle na nakasakay sa dalawang sunod na panalo kung saan nasilayan ang paglalaro ni transferee Mark Nonoy na galing sa UST.
-
MAHIGIT 40K PULIS, IPAPAKALAT SA MAY 2022 POLLS
AABOT sa mahigit 40,000 na mga pulis ang ipakakalat ng Philippine National Police (PNP) para magbigay seguridad sa May 2022 national and local elections. Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, handang-handa na sila sa halalan at kasalukuyang nasa phase na sila ng “monitoring” sa ground. Binigyang-diin ni PNP chief, kasado na rin ang […]
-
Debate ng mga kandidato, ipapaubaya sa entity
SINABI ng Commission on Elections (Comelec) na ipapaubaya nila sa anumang entity ang pagsasagawa ng debate ng mga kandidatura para sa 2025 elections. Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, hindi rin nila pipilitin ang mga magiging kandidato na makibahagi sa mga isasagawang debate. Hindi rin aniya nila pakikialaman kung ano ang mga itatanong […]
-
Ads May 3, 2024