• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BOC ipinagmalaki ang laki ng koleksyon sa loob ng 10 buwan

Mayroong nakumpiska ang Bureau of Customs ng kabuuang P72.091 bilyon halaga ng mga smuggled goods mula Enero hanggang Oktubre 2024.

 

 

Ayon sa BOC na ang nasabing halaga ay nahigitan nila ang halaga noong 2023 na mayroon lamang na P43.29 -B.

 

 

Ang nasabing mga counterfeit na mga produkto na kanilang nakumpiska noong Oktubre ay binubuo ng P2.3 bilyon na halaga ng mga iba’t-ibang produkto, P22.3 milyon na halaga na mga sigarilyo, P323-M na halaga ng mga bigas at mga sasakyang pandagat na may kargang mga produktong petrolyo.

 

 

Mayroong P42.16 milyon din na halaga ng iligal na droga ang nasabat sa Ninoy Aquino International Airport.

 

 

Ipinagmalaki pa ni BOC Commissioner Bien Rubio , na ang nasabing akomplishment nila sa loob ng 10 buwan ay isang record-breaking.
( Daris Jose)

Other News
  • PBBM, pangungunahan ang pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan sa Mt. Samat National Shrine, Pilar, Bataan

    PERSONAL na pangungunahan ngayon ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr Ang ika- 81 anibersaryo ng Araw Ng Kagitingan na gagawin sa Mt. Samat National Shrine, Pilar, Bataan.   Sa temang “Kagitingan ng mga Beterano, Pundasyon ng Nagkakaisang Pilipino,” ilan sa mga programa kung saan  magkakaroon ng partisipasyon ang Punong Ehekutibo ay ang wreath laying ceremony. […]

  • Ads April 14, 2022

  • Warehouse ng toothpaste, sabon sa Malabon nasunog

    TINATAYANG humigi’t-kumulang P2 milyon halaga ang naging pinsala sa ari-arian matapos sumiklab ang sunog sa isang warehouse ng toothpaste at sabon sa Malabon City, Martes ng madaling araw.     Ayon sa Malabon Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-12:56 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa warehouse ng Prime One Packing Design Corporation […]