Bong Go: 2023 calamity funds dagdagan
- Published on November 8, 2022
- by @peoplesbalita
SUPORTADO ni Senator Christopher “Bong” Go ang panukalang dagdagan ang national calamity fund para sa taong 2023 dahil sa mga nagdaang kalamidad na tumama sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ni Go na wala siyang tutol na dagdagan ang calamity funds sa pagsasabing tungkulin ng gobyerno na agad tulungan ang mga naapektuhan ng iba’t ibang kalamidad upang agad silang makabangon.
“Susuportahan ko ang pagdagdag sa calamity funds for 2023. Wala akong pagtutol dyan dahil tungkulin natin na matulungan kaagad ang mga tinamaan ng iba’t ibang kalamidad para sila ay makabangon kaagad muli,” sabi ni Go.
Iginiit ng senador, gayunpaman, ang pangangailangang tiyaking magagamit kaagad at naaangkop ang calamity fund. Idinagdag niya na ang mga pondong pang-emergency ay mas epektibong magagamit kung mayroong isang departamento na nakatuon sa pamamahala ng mga programa pagdating sa mga pagsisikap sa pagtulong, pagbangon at rehabilitasyon.
Muling iginiit ni Go ang kanyang panawagan para sa pagpasa ng Senate Bill No. 188 o panukala niyang Department Disaster Resilience Act na naglalayong magtatag ng isang ahensya na tututok sa pagpapatupad ng mabilis na hakbang ng gobyerno sa pagtugon sa kalamidad at kaugnay na mga pangyayari.
-
GINANG PATAY SA TREN
NASAWI ang isang ginang nang mahagip at makaladkad nang rumaragasang tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Paco, Maynila Huwebes ng gabi. Kinilala ang biktima na si Dahlia Barcelon y Dela Merced, 55, nakatira sa 1780 Mulawin Alley Peralta Street, Sta Mesa Maynila . Sa imbestigasyon ng Manila Traffic and Enforcement […]
-
Inuman nauwi sa madugo, 1 dedo
NAUWI sa madugo ang masayang pagdiriwang ng kaarawan ng isang trabahador nang humantong sa patayan ang pag-aaway ng dalawa niyang bisitang kapuwa kasamahan sa trabaho sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong saksak sa leeg, ulo at mukha ang biktimang si Arnel Dante, 44, habang nadakip naman ng mga barangay […]
-
Wanted na rapist, nadakma sa Caloocan
KALABOSO ang isang lalaki na wanted sa kaso ng panggagahasa sa isang menor-de-edad na babae matapos madaki sa ginawang manhunt operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Tinugis ng pinagsanib na mga tauhan ng Sub-Station 13 ng Caloocan Police, Warrant and Subpoena Section (WSS), at Batasan Sub-Station 6 ng Quezon City […]