• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bong Go: Bilisan pamimigay ng ‘ayuda’ sa apektado ng ECQ

Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang naging desisyon ng pamahalaan na bigyan ng special financial assistance ang mga residente ng Iloilo province, Iloilo City, Cagayan de Oro City at Gingoog City, Misamis Oriental na naapektuhan ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine restrictions noong Hulyo 16 hanggang 31 na nag-extend hanggang Agosto 7.

 

 

Ang pondo ay mula sa Assistance to Individuals in Crisis program ng Department of Social Welfare and Development na ililipat sa concerned local governments na siya namang mamamahala ng distribusyon ng ayuda.

 

 

“Nakikiusap ako sa gobyerno na bilisan na ang pamamahagi ng ayuda sa mga naapektuhan ng ECQ sa lugar nila. Siguraduhin dapat na nakarating sa mga nangangailangan ang ayuda na inilaan sa kanila,” sabi ni Go.

 

 

Ang quarantine status sa mga nasabing lugar ay base sa rekomendasyon ng IATF.

 

 

Kasunod nito’y inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang national government ay magkakaloob ng ayuda sa mga apektadong LGUs.

 

 

Bilang vice chair ng Senate committee on finance, personal na umapela si Go sa lahat ng implementing agencies na bilisan ang paglalabas ng Supplemental Amelioration Program kasunod ng paglalagay sa ECQ sa mga tinukoy na critical areas.

 

 

Samantala, iginiit din ni Go sa executive department na tiyaking mabibigyan din ng ayuda ang “poorest of the poor” na labis na maaapektuhan ng ECQ sa NCR simula August 6-20.

Other News
  • Big challenge ang paggamit ng Danish language: GERALD, magbabalik bilang Thuy sa ‘Miss Saigon’ sa Denmark

    BALIK ‘Miss Saigon’ si Gerald Santos as Thuy pero this time sa Miss Saigon edition ng Denmark which goes onstage next year   Unang ginampanan ni Gerald ang role ni Thuy sa ‘Miss Saigon UK’ International Tour noong 2017 to 2019.   In fact, he has logged 553 performances as Thuy, pinakarami sa lahat ng […]

  • Tig-5K na ayuda bigay sa 674 students sa Maynila

    NASA 674 estudyante sa Maynila ang pinagkalooban ng tig-P5,000 tulong pinansyal sa pangunguna ni Manila City Mayor Honey Lacuna-Pangan.     Pawang mga estud­yante mula sa mahihirap na pamilya ang inabutan ng tulong pinansyal ni Lacuna at ng mga opisyal ng Manila Social Welfare and Development (MSWD) sa San Andres Sports Complex.     Nabatid […]

  • PSA target ang 5-M para sa national ID system

    Target ng Philippine Statistics Authority (PSA) na makapagrehistro ng limang milyon mga mahihirap na pamilya para sa huling quarter ng taon para sa implementasyon ng national ID system.   Sinabi ni Claire Dennis Mapa, national statistician at PSA head, na prioridad nila ang mga mahihirap na pamilya para matugunan ang problema ng mga ito ng […]