• January 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bong Go: ‘Di ako titigil sa pagseserbisyo

TINIYAK ni Senator Christopher “Bong” Go sa sambayanang Pilipino na hindi siya magsasawa sa paglilingkod sa pagsasabing patuloy siyang magtatrabaho para sa mga walang pag-asa at mahihina.

 

 

 

Sa isang interview matapos ang kanyang monitoring visit sa Malasakit Center sa Davao Oriental Provincial Medical Center sa Mati City, pinasalamatan ni Go si Senate President Pro Tempore Juan Miguel Zubiri na nagkumpirmang patuloy niyang pamumunuan ang Senate committees on health, gayundin ang sports.

 

 

 

“Salamat. Salamat sa tiwala dahil ipagpapatuloy ko ‘yung pagtitiwala sa akin ng dalawang komite na ‘to. Sabi ko, hindi naman po ako namimili,” ani Go.

 

 

 

Dagdag pa ng senador, pagsisilbihan niya ang taumbayan sa anumang kapasidad na ibigay sa kanya, pero mas gusto pa rin niyang pamunuan ang Health and Sports committees dahil naniniwala siyang dito siya makapag­lilingkod sa publiko nang maayos.

 

 

 

Isang masugid na taga­pagtaguyod ng pagpapaunlad ng palakasan, si Go ang nag-akda at nag-co-sponsor ng Republic Act No. 11470, na nagtatag ng NAS noong 2020.

 

 

 

Sinabi ni Go na habang patapos na ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi siya magsasawa sa pagliling­kod sa mamamayang Pilipino. (ARA ROMERO)

Other News
  • ‘Wag mag-panic sa tumataas na COVID-19 cases – DOH

    NANAWAGAN sa publiko ang Department of Health (DOH) na hindi dapat mag-panic kasunod ng tumataas na mga bagong kaso ng COVID-19.     “We don’t need to panic. Ang tinitignan na natin kasi po ngayon ‘yong healthcare system capa­city, if it’s manageable then we are good,” ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire.     […]

  • Dolomite Beach isara muna – Binay

    Habang wala pang malinaw na regulasyon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), iginiit ni Sen. Nancy Binay ang pagpapasara ng Dolomite beach sa Manila Bay.     Ayon kay Binay, ito ay habang walang maliwanag na sistema ang DENR para sa mga taong nagtutungo sa naturang lugar.     Iginiit pa ng senador […]

  • 4 na lungsod sa NCR nabakunahan na ang kalahati ng populasyon

    May apat na lungsod sa National Capital Region (NCR) ang nakalahati na ng kanilang populasyon ang naturukan ng first dose ng COVID-19 vaccine.     Nangunguna rito ang San Juan City kung saan mayroong halos 70,000 sa populasyon nito o 81.5% sa lungsod ang naturukan ng unang dose ng COVID-19 vaccine.     Sumunod ang […]