Bong Go: Government vaccination vs tigdas, pertussis suportahan
- Published on April 2, 2024
- by @peoplesbalita
UMAPELA si Senador Christopher “Bong” Go sa mga magulang na suportahan at makipagtulungan sa programa ng gobyerno na pagbabakuna upang maprotektahan ang kanilang mga anak mula sa iba’t ibang sakit.
Ito ay sa gitna ng mga ulat na pagtaas ng kaso ng tigdas sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at pertussis outbreaks sa National Capital Region at iba pang bahagi ng bansa tulad ng Iloilo City.
Ayon kay Go, tagapangulo ng Senate committee on health and demography, ang pagprotekta sa kalusugan sa mga anak ay isang shared responsibility kaya hinikayat niya ang mga magulang na suportahan ang mga inisyatiba ng pagbabakuna ng pamahalaan.
“Sa pamamagitan ng pagtiyak na nakatatanggap ang ating mga anak ng bakuna sa tamang oras, maaari natin silang ilayo sa mga malubhang sakit tulad ng tigdas at pertussis,” ani Go.
Sa Republic Act No. 10152, mas kilala bilang “Mandatory Infants and Children Health Immunization Act of 2011”, iniuutos ang pagbibigay ng regular na serbisyo ng pagbabakuna sa mga sanggol at bata hanggang 5 taong gulang at target ang sakit na kinabibilangan ng pertussis at tigdas, bukod sa iba pa.
Sinabi ni Go na dapat magtiwala sa mga eksperto sa kalusugan at huwag hayaang hadlangan ng takot ang paglaban sa mga maiiwasang sakit na ito. Dapat aniyang mapabuti ang kalusugan at kaligtasan ng ating mga anak.
Iniulat ng DOH ang paglobo ng kaso ng tigdas at pertussis sa buong bansa. Nabatid na may higit 2,600 kaso ng tigdas at higit 453 kaso ng pertussis, kabilang ang 35 pagkamatay, sa unang 10 linggo ng taon.
-
Bahagi ng paglilinaw: Gobyerno, nagdagdag ng mas maraming lungsod, bayan sa listahan na nasa ilalim ng Alert Level 1 hanggang Hunyo 15
NAGPALABAS ang Malakanyang, araw ng Sabado ng “revised list of areas” sa ilalim ng pinakamababang COVID-19 alert level mula Hunyo 1 hanggang Hunyo15. Kabilang na rito ang mas maraming lungsod at munisipalidad mula sa ilang rehiyon. Sinabi ni Acting presidential spokesperson Martin Andanar na inaprubahan, araw ng Huwebes ng Inter-Agency Task […]
-
‘Ten Little Mistresses’ holds world gala premiere ahead of Feb. 15 release on Prime Video
PRIME Video launched Ten Little Mistresses, on Tuesday, February 7, in a blue carpet gala premiere ahead of its February 15 streaming. The streaming giant will switch on its first Filipino Amazon Original movie in over 240 countries and territories. The murder-mystery comedy film stars Eugene Domingo, Christian Bables, Pokwang, Arci Muñoz, Carmi […]
-
Asian premiere on Sept. 17 sa The Theater at Solaire: RACHELLE ANN, muling magpi-perform sa award-winning musical na ‘Hamilton’
MAPAPANOOD si Rachelle Ann Go sa award-winning musical na ‘Hamilton’ at muli niyang gagampanan ang role as Eliza Hamilton. Sa pinost na video sa social media ng ‘Hamilton International Tour’, in-announce ang muling pag-perform ni Rachelle sa ‘Hamilton’ na ilang taon ding hindi nagtanghal sa West End dahil sa pandemic. Nakalagay […]