Bong Go, kinilalang ‘Ama ng Malasakit Center’
- Published on October 7, 2021
- by @peoplesbalita
Tiniyak ni Senate Committee on Health and Demography chairman Senator Christopher “Bong” Go sa mga Filipino na tuluy-tuloy na magiging operational ang Malasakit Centers at sisiguruhin niyang mas mabilis, maayos at abot-kaya ang serbisyong pangkalusugan sa harap ng patuloy na pandemya.
Matapos magsumite ng kanyang Certificate of Candidacy sa pagkapangalawang-pangulo sa 2022 elections, nangako si Go na tulad ng naibibigay na tulong ng Malasakit Centers sa mga nangangailangan ay mas pabibilisan ang healthcare services sa bawat Filipino.
Si Go ang utak ng Malasakit Centers initiative at may-akda ng Malasakit Centers Act of 2019 na isinabatas at nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kaya naman kinikilala siyang “Ama ng Malasakit Centers” program na na-institutionalized sa pamamagitan ng Republic Act No. 11463.
Ang Malasakit Center ay one-stop shops ng pinagsama-samang mga ahensiya ng DOH, DSWD, PCSO at PhilHealth sa iisang bubong upang mas maging madali sa mga mahihirap at indigent Filipinos na magkaroon ng access sa medical care.
Sa kasalukuyan ay mayroon nang 141 Malasakit Centers na nag-ooperate sa bansa.
Sinabi ni Go na sa mahigit niyang 20 taon sa public service, nasaksihan niya kung paano naging mahirap sa mga mahihirap makatanggap ng medical care kaya naisipan niyang magbukas ng kauna-unahang Malasakit Center sa Cebu City noong 2018.
-
MOU vs fake news tinintahan na ng Palasyo
HANDA na ang Presidential Communication Office (PCO) na ipatupad ang Media and Information Literacy (MIL) Project ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasunod ng paglagda ng Memorandum of Understanding sa mga partner na ahensya ng gobyerno nitong Lunes. Pinangunahan ni PCO Secretary Cheloy Velicaria-Garafil ang ceremonial signing ng MOU kasama ang […]
-
Gobyerno ng Singapore, pinasalamatan ni Speaker Romualdez sa kanilang tulong sa biktima ng bagyong Kristine
PINASALAMATAN ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang gobyerno ng Singapore sa kanilang tulong sa mga naging biktima ng bagyong Kristine, partikular na ang papel ng Singaporean Air Force sa pagdala ng tulong sa mga tinamaang komunidad. “Nagpapasalamat kami sa pamahalaan ng Singapore, lalo na kay President Tharman Shanmugaratnam at sa kanilang embahadora dito sa […]
-
Back-to-back na magluluto sa newest vlog: Sen. IMEE, babalikan ang 80s Moroccan experience nila ni BORGY
ISA na namang mega gastronomic weekend treat ang hatid ni Sen. Imee Marcos sa kanyang bagong vlog entry. Makakasama niya sa foodie bonding ang anak na si Borgy Manotoc na tiyak na kagigiliwan ng mga Pinoy food lovers. Mula nang bumalik siya sa pagba-vlog ngayong taon, libu-libong sa mga loyal fans ni Imee ang […]