• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bong Go, kinumpirma ang PRRD-BBM meeting…

KINUMPIRMA ni Senador Christopher “Bong” Go, ang nangyaring miting o pulong sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at presidential aspirant Bongbong Marcos.

 

 

Sa isang panayam matapos na bisitahin ni Go ang Malasakit Center at turnover ceremony ng financial assistance mula sa Office of the President sa Quirino Memorial Medical Center sa Quezon City ay sinabi nito na nagkaroon ng produktibong meeting sina Pangulong Duterte at Marcos.

 

 

Ibinahagi pa aniya ni Pangulong Duterte kay Marcos ang kanyang mga naging karanasan bilang isang outgoing president ng bansa at pinayuhan pa ni Pangulong Duterte si Marcos habang nag-uusap ang mga ito.

 

 

“Maganda naman po ang resulta ng meeting. Medyo matagal-tagal nga ‘yon at talagang ganado ‘yung Pangulo na magkuwento. I think about 80% ng discussion ay more on si Presidente po ang nagsasalita,” ang pagbabahagi ni Go.

 

 

“And he shared his experience po… as president sa mga nakaraan. Ito, nagbigay siya ng mga kaunting payo, mga ginawa niya para sa ating bayan ay sana po’y ipagpatuloy ng kung sino man po ‘yong magiging susunod na Pangulo,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Binanggit din ni Go na ang nasabing meeting ay isa sa mga dahilan para iendorso ng PDP-Laban ang kandidatura ni Marcos.

 

 

Nagkaroon na rin naman kasi ng ilang beses na pag-uusap at konsultasyon sa bagay na ito.

 

 

“Malamang ‘yon po ang naging isa sa naging dahilan, pero dumaan po ‘yon sa konsultasyon at proseso,” ayon kay Go.

 

 

“It’s a party decision po. So, ibig sabihin dumaan sa proseso, pinag-usapan, nagkonsultasyon sa iba’t ibang miyembro ng PDP at majority ang nakapag-decide kung sino po ‘yung ina-adopt at susuportahan. So, it’s a party decision po,” aniya pa rin.

 

 

Sa kabilang dako, umaasa naman ang senador ng pagkakaisa sa loob ng partido pagdating sa pag-endorso ng mga kandidato para sa nalalapit na eleksyon sa bansa.

 

 

“Being a member po ng PDP ay sana iisa po ang magiging direksyon ng lahat ng miyembro ng partido,” ayon kay Go.

 

 

“Kasi para naman po sa akin, para po sa akin personally as PDP member, kung sino po ‘yung makapagpatuloy ng magagandang programa ni Pangulong Duterte, […] iyon po ang gusto kong suportahan. At kung sino po ‘yung talagang ‘yung direksyon niya is ipagpatuloy, huwag sirain ‘yung momentum na naumpisahan na natin,” aniya pa rin.

 

 

At nang tanungin kung ano na ang estado ng political party system sa bansa, sinabi ni Go na ang umiiral na political affiliations ay mababago matapos ang termino ni Pangulong Duterte sabay sabing “this is a reality of Philippine politics.”

 

 

“After President Duterte, sa tingin ko watak-watak na rin ‘yan, Gano’n naman talaga that’s the reality of Philippine politics and our party system dito sa ating bansa,” ani Go.

 

 

“At kahit kailan, kung sino ‘yung president sila ‘yung ruling party. After papalitan ng panibagong presidente ‘yon na naman ang magiging ruling party. So that’s the reality of Philippine politics,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • Pinay weightlifter nagdagdag ng 2 bronze sa bansa

    Nagdagdag ng dalawang bronze medals para sa Pilipinas sa Asian Championships si Filipina weightlifter Kristel Macrohon.     Nagtapos ng ikatlong puwesto sa women’s 76 kg clean & jerk si Macrohon matapos na ito ay bumuhat ng 126 kilograms.   Nakuha nito ang isang bronze sa 225 kgs.     Mayroon ng kabuuang 2 gold, […]

  • PBBM, tiniyak sa AFP ang ‘commitment’ ng administrasyon na mapabuti ang kapakanan, morale ng militar

    MULING inulit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ‘commitment’ ng administrasyon na mapabuti ang kapakanan at morale ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at kanilang pamilya. “And to all the members of the AFP, be assured this government has a continued assurance in improving the welfare and morale of our […]

  • Sa Bali, Indonesia magaganap ngayong July: MAJA, ‘di pa rin mabanggit ang ilang detalye sa kasal nila ni RAMBO

    ILANG detalye sa nalalapit na kasal nina Maja Salvador at Rambo Nuñez ang hindi pa rin talaga mabanggit ng aktres bilang pa-surpresa naman siguro nito para sa mismong big day nila sa July.     Though, given naman na sa naturang buwan at sa Bali, Indonesia nga ang kasal.   Pero inamin naman ni Maja […]