• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bong Go: Pension ng seniors doble na

INIHAYAG ni Senador Christopher “Bong” Go na patuloy niyang susuportahan ang mga batas at programa para sa kapakanan ng mga senior citizen sa bansa, lalo ang mga mahihirap.
Kahapon ay pinuri ni Go ang pagpapatupad ng Republic Act No. 11916 o ang batas na nagdodoble sa social pension ng mga kwalipikadong senior citizen.
Ang RA 11916, na co-authored mismo siya sa Senado, ay nagtaas ng monthly stipend ng indigent senior citizens mula P500 hanggang P1,000.
Inaatasan din ng batas ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na suriin at ayusin ang halaga ng social pension kada dalawang taon, batay sa consumer price index at iba pang economic indicators.
Ayon sa DSWD, mahigit 2,000 benepisyaryo sa National Capital Region ang nakatanggap na ng pinataas na social pension mula nang magkabisa ang batas noong Hulyo 2022. Tiniyak ng DSWD na mayroon itong sapat na pondo para mabayaran ang karagdagang pension para sa apat na milyong kwalipikadong indigent senior.
“Ang batas na ito ay patunay ng aming malasakit at pagpapahalaga sa ating mga senior citizen na nag-ambag sa pag-unlad ng ating bansa. Hindi namin sila pababayaan, lalo na ang mga mahihirap at pinaka nangangailangan,” sabi ni Go.
Binanggit din ni Go ang kanyang co-authorship at co-sponsorship sa Senate Bill No. 2028 na naglalayong palawakin ang saklaw ng Centenarians Act of 2016 sa mga Pilipinong umabot sa edad na 80 at 90 sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng P10,000 at P20,000 cash gift, ayon sa pagkakabanggit.
Sa ilalim ng Centenarian Act of 2016, binibigyan ng P100,000 cash gift ang mga aabot sa edad na 100. At dahil hindi lahat ay umaabot sa edad na isang siglo, isinulong ni Go at mga kapwa mambabatas na gawin itong 80 at 90 taong gulang.
Other News
  • Ads February 21, 2022

  • Pac-Pres: Pacquiao, tatakbong Presidente ng Pilipinas sa 2022 – Arum

    Tatakbo sa pagka-presidente ng Pilipinas sa 2022 si boxing champ at senator Manny Pacquiao, ayon kay Top Rank promoter Bob Arum.   Sa isang video na inilabas ng talksport.com, sinabi ni Arum na si Pacman ang magiging kauna-unahang boksingerong magiging presidente ng isang bansa.   “The first president I think we’ll get as a fighter […]

  • Nangakong hindi na ito mauulit… Sen. ROBIN, nag-sorry na sa Senado sa pagpapa-IV drip ni MARIEL

    PINUTAKTI at kaliwa’t kanan ang natanggap na batikos nang ginawang pagpa-IV drip ng asawa ni Sen. Robin Padilla na si dating host at aktres Mariel Padilla.     Paliwanag pa agad ni Mariel na hindi raw naman niya sinadya ang naturang pangyayari.     Nataon lang daw kasi na doon siya inabot sa opis ng […]