• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BONGBONG MULING NANGUNA SA ONLINE SURVEY NG MANILA BULLETIN

MULI na namang nanguna si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos sa online survey gamit ang iba’t ibang uri ng social media platform ng pahayagang Manila Bulletin na isinagawa nitong Nobyembre 19 hanggang 21.

 

 

 

Ayon sa opisyal na resulta na ipinalabas ng naturang pahayagan, lumamang ng malaki si Marcos, standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), sa Facebook at Manila Bulletin website survey, na nakakuha ng 53.4 porsyento at 55.4 porsyento, ayon sa pagkakasunod.

 

 

 

Nasa malayong pangalawa lamang si presidential aspirant Vice President Leni Robredo na mayroong 19.8 porsyento sa Facebook at 34.9 porsyento sa website ng Manila Bulletin. Pangatlo si presidential aspirant Isko Moreno na mayroong 22.7 porsyento sa Facebook at 3.6 porsyento sa website.

 

 

 

Pang-apat sa Facebook poll si presidential aspirant Senator Bong Go na mayroong 3.2 porsyento na boto habang pang-lima naman si presidential aspirant Leody de Guzman na mayroong 0.4 porsyento; pang-anim si presidential aspirant Senator Panfilo Lacson na nakapagtala ng 0.3 porsyento at pang-pito si presidential aspirant Manny Pacquiao na mayroong 0.2 porsyento.

 

 

 

Pang-apat naman sa website ng Manila Bulletin si Go na may 3,2 porsyento; panglima si Lacson na nakakuha ng 1.6 porsyento; sunod si Pacquiao na may 0.7 porsyento; habang panghuli si De Guzman na may 0.6 porsyento.

 

 

 

Bahagya lamang nakaungos si Robredo sa Twitter poll na nakakuha ng 49 porsyento habang sa hindi kalayuan si Bongbong na mayroong 41 porsyento; pangatlo si De Guzman na may 5 porsyento; tabla sa pang-apat sina Lacson at Go na kapwa may 2 porsyento; tabla naman sa pang-lima sina Moreno at Pacquiao na kapwa may 1 porsyento.

 

 

 

Ayon sa Manila Bulletin, may pinakamaraming respondents sa Facebook survey na umabot sa mahigit 671, 000 na respondents. Umabot naman sa 15, 669 respondents sa kanilang website survey at 101, 248 respondents sa Twitter poll.

 

 

 

Kasama sa requirement sa pagboto ang Gmail address ng bawat respondent at isang beses lamang sila pinapayagang lumahok sa pagboto.

 

 

 

Matatandaan na si Marcos kasama ang kanyang katambal na si vice presidential aspirant Davao Mayor Sara Duterte ay kapwa nangunguna ng malaki sa kalahat ng kanilang mga kalaban sa mga pinakahuling survey sa bansa.

Other News
  • Disney and Pixar’s ‘Lightyear’ New Poster shows Emperor Zurg and His Robot Minions

    Emperor Zurg looms over Buzz in a new Lightyear poster.      A spinoff of the Toy Story film series, the upcoming animated movie from Disney and Pixar serves as an origin story for the human astronaut Buzz Lightyear, who goes on to inspire the action figure of the same name voiced by Tim Allen in the Toy Story movies.    […]

  • P709-M halaga ng assistance inilaan sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng bagyo

    NAGLAAN  ang Department of Agriculture (DA) ng mahigit P709 milyong halaga ng tulong at interbensyon para sa mga magsasaka na naapektuhan ng pananalasa ng supertyphoon Karding.     Sa ngayon, nasa P2.95 bilyon na ang pinsala sa agrikultura na dulot ni “Karding” basi sa pinakahuling datos ng kagawaran.   Idinagdag pa ng ahensya na ang […]

  • CHRISTIAN, aware na maraming dating Kapuso na hindi na ni-renew ang kontrata kaya very grateful sa GMA

    MULING pumirma ng network contract si Christian Bautista sa GMA-7 noong June 24.     Siyempre, masaya si Christian na tuloy-tuloy pa rin ang tiwala at suporta sa kanya ng network.     Aware si Christian na unlike him, marami rin dating Kapuso na hindi na ni-renew ng Kapuso network.  Pero sabi nga ni Christian, kaibigan […]