• March 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bonus na lang sa stars ang acting awards: ALLEN, mas gustong kumita ang movie para makabawi ang producers

BILANG isang multi-awarded actor, parehong mahalaga kay Allen Dizon ang box office at acting award.

 

“In terms of producer, siyempre dapat box office, in terms of ako bilang artista, siyempre award.

 

“Pero sana both, di ba? May mga kita na yung producer and may award pa ang mga artista.

 

“Sana… para sa akin hindi naman yung sobrang box office, basta maibalik lang yung ROI [return of investment] ng producer, okay na.

 

“At least wala kang guilt feeling na yung pelikula ko, walang nanood, although may award ako pero yung producer ko kawawa naman.

 

“Gusto ko it’s a give and take, gusto ko lahat masaya, at least yung kinuha ka para at least makabawi yung producer, kinuha ka dahil gusto ka dahil magaling kang artista, nagka-award ka. Di ba?

 

“Kumbaga dapat iniisip mo rin yun e. Para sa akin, sana both,”

 

Malapit na ring ipalabas ang ‘Fatherland’ habang gagawin naman niya ang isa pang bagong pelikula, ang ‘Unconditional.’

 

At kailan lamang rin ay napanood si Allen sa top-rating GMA series na ‘Abot Kamay Na Pangarap'( na nagwakas sa ere nitong Oktubre, 2024.

 

Ano ang pagkakaiba ng pagiging artista sa pelikula at telebisyon?

 

Saan siya mas enjoy?

 

Lahad niya, “Siyempre alam mo naman, first love ko pelikula talaga, e. Pelikula talaga yung mas forte ko.

 

“At alam naman natin pag TV, siyempre mas pagod dahil maraming taping, maraming sequences.

 

“At siyempre mas marami kang kikitain sa TV especially regular show, regular yung dating ng pera sa iyo.

 

“Pero siyempre yung puso mo nagiging ano na lang, nagiging mechanical ka na lang, parang routine, nagiging routine pag TV.

 

“Yung acting mo pareho na lang, yung itataas mo, yung ibababa mo, hindi kamukha ng pelikula, may subtlety ka pa rin.

 

“Yung pelikula may rawness pa rin na lalabas sa iyo dahil iba-ibang role ang ginagampanan mo and kailangan mong aralin talaga yung bawat…Kumbaga mga dialogue mo, kung paano yung ano ng mata mo.

 

“Sa pelikula kasi dapat consistent ka e, kumbaga dapat kung ano yung ginagampanan mong role, dapat mapapaniwala mo yung mga tao, audience, na totoo ka dun sa ginagawa mong character, di ba?

 

“Sa TV wala na, after bukas, after nun, wala na yun e, nakalimutan na yun, e. Ang pelikula pag tumanda ka nandiyan pa yun, hanggang sa mga apo mo nandiyan pa ‘yan.”

 

Sa panulat ni Jerry Gracio at sa direksyon ni Adolfo Alix, Jr.

 

Bukod kay Allen ay tampok sa pelikula sina Rhian Ramos kasama sina Lotlot de Leon, Elizabeth Oropesa, Paolo Gumabao, Rico Barrera, Brandon Ramirez, at Joel Lamangan.

 

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Kinakiligan ng netizens ang komento… JERICHO to JANINE: “I am over the moon for you!”

    KINAKILIGAN ng netizens ang naging komento ni Jericho Rosales sa IG post ni Janine Gutierrez tungkol sa latest movie na ipalalabas sa Venice Film Festival.     Ayon sa The 6th EDDYS Best Actress, “Super dream come true – our film, Lav Diaz’s Phantosmia, will premiere at this year’s La Biennale di Venezia. Sooooo grateful […]

  • Morales in, Zagala out bilang Commander ng PSG

    ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Brig. General Jesus Nelson B. Morales (PAF) bilang  Commander ng Presidential Security Group (PSG).     Pinalitan ni Morales sa puwesto si  Brig. General Ramon P. Zagala (PA) na nakatakdang umupo para sa kanyang bagong papel bilang  Commander ng Civil Relations Service ng  Armed Forces of the Philippines, […]

  • Omicron Variant: 14 bansa inilagay ng IATF sa ilalim ng ‘Red List’

    Nadagdagan ng pito ang bilang ng mga bansa na kasalukuyang napapabilang sa Red List sa harap ng banta ng COVID-19 Omicron variant, pero hindi pa rin kasama rito ang Hong Kong na mayroon nang kumpirmadong “local case” ng mas nakakahawang variant na ito.     Ayon kay acting spokesperson Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, inaprubahan […]