• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BOOSTER SHOT, MAY GO SIGNAL NA

NAGBIGAY na ng go signal ang Department of Health para sa  booster at karagdagang dose ng  COVID-19 vaccines para sa  healthcare workers, mga senior citizens at para sa  eligible priority groups sa  2022.

 

 

Ang booster shots at karagdagang doses ng bakuna ay kasunod ng rekomendasyon noong Oct. 13  ng Health Technology Assessment Unit (HTAU) na inaprubahan naman ni  Health Secretary Francisco Duque III.

 

 

Sa ilalim ng rekomendasyon, ang booster ay ibibigay sa mga healthcare workers at  senior citizens sa ika-apat na quarter , sa kundisyon na natanggap nila ang mga bakuna  nang hindi bababa sa anim na buwan pagkatapos ng pangunahing serye.

 

 

Itinutulak din ng HTAC ang pagpapatupad ng boosters sa 2022, kasunod ng parehong prioritization sa mga karapat-dapat na grupo kung ang   A1 hanggang  A5 priority groups ay naabot na ang  50% sa unang pagbabakuna.

 

 

“The rationale for the set threshold prior to implementation of booster includes ensuring maximum coverage for the primary series as the premature rollout of booster vaccination without attaining acceptable coverage would exacerbate existing inequities,” saad sa pahayag ng  HTAC

 

 

Isinusulong din ng HTAC  ang additional shots para sa  immunocompromised individuals,  18 araw matapos ang pagkumpleto sa inisyal na COVID-19 vaccine series. GENE ADSUARA

Other News
  • VP Leni Robredo, mga anak lumipad pa-New York

    LUMIPAD  pa-New York City si Vice President Leni Robredo kasama ang kanyang mga anak upang dumalo sa graduation ng kanyang bunso na si Jillian at gugulin ang oras kasama ang kanyang pamilya.     Sa kanyang Instagram, nagbahagi si Aika, anak ni Robredo, ng video kasama ang kanyang ina at mga kapatid habang sakay ng […]

  • Ads June 12, 2021

  • Panibagong COVID-19 surge babala ng OCTA

    BINALAAN ng independent OCTA Research Group ang mga Pilipino na posible pa ring magkaroon muli ng panibagong COVID surge kung hindi na susunod ang lahat sa ipinatutupad na ‘minimum public health protocols’ ngayong nasa Alert Level 1 na ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.     Sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido […]