• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Boston Celtics ambisyon din si Durant mula sa Brooklyn Nets?

LUMUTANG ngayon ang impormasyon na kabilang ang Boston Celtics sa mga teams na nag-aambisyon umano na makuha ang serbisyo ng NBA superstar na si Kevin Durant mula sa Brooklyn Nets.

 

 

Nasa isang buwan na ngayon na wala pa ring nakakasungkit kay Durant sa kabila ng hiling nito na malipat ng ibang team.

 

 

Gayunman duda ang ilang sports analyst na agad na makukuha ng Boston si Durant dahil kailangan din ang napakabigat na kapalit tulad na lamang kung kaya bang pakawalan ng Celtics ang kanilang All-Star forward na si Jaylen Brown.

 

 

Una rito, naging usap-usapan din na kabilang sa iba pang team na nakikipag-agawan na makuha si Durant ay ang Miami Heat, Phoenix Suns, at Toronto Raptors.

 

 

Madi Mojdeh hataw sa SLP Series

 

 

Gumagawa ng sariling pangalan si Behrouz Mohammad ‘Madi’ Mojdeh matapos manguna sa listahan ng mga Most Outstanding Swimmer (MOS) awardees sa Class A ng 23rd Swim League Philippines Series na ginanap sa Plaza Dilao sa Paco Manila.

 

 

Humakot ng gintong medalya si Mojdeh para pagharian ang boys’ 11-year division ng torneong nilahukan ng mahigit 300 tankers.

 

 

Sumusunod si Behrouz Mohammad sa yapak ng kanyang nakatatandang kapatid na si Micaela Jasmine na Philippine national junior record holder at masisilayan sa aksyon sa FINA World Junior Championships sa Peru sa Agosto.

 

 

Itinanghal ding MOS sa Class A sina Khloe A­driana Atendido, Drei Mabilin, Samantha Mia Mendoza, Kylee Magtangob, Gwen Eliz Luarca, Pepito Miguel Quitco III, Claire Briana Lim, Mariane Lopez, Andrae Kenzie Samontanes, Hannah Mikaela Lim, Enkhmend Enkhmend, Jhoey Leila Gallardo, Brendan Vinas, Julia Ysabelle Basa, Lleyton Rara, Mikai Trinidad, Angelo Sadol, Patricia de Chavez,  Albert Sermonia, Krisha Apin at Renz Sabalvaro.

 

 

Sa Class B, nanguna sa mga awardees sina Khloe Adriana Atendido, Samantha Mia Mendoza, Mikee Mojdeh, Kylee Magtangob, Princess Jewel Aquino at Rob Kevin Nolla.

 

 

Wagi rin sina Simon Bravo, Jared Jacob Aquino, Filip Solares, Geric A­arod Beredo, Jen Sermonia, Ashby Canlas, Amiel Lotino, Franchesca Alterado, John Kyrant  Mendoza, Al­bert Sermonia, Kyla Lois Jatulan, Krisha Apin at Dave Angelo Tiquia.

 

 

Pinangalanang MOS sa Class C sina Khloe Adriana Atendido, Princess Mikaela Quitco, Krissana Georgia Eugenio, Mizzien Khale Tapat, Jacques Audric Reguyal at Ianne Shanaiah Zafra.

Other News
  • MOTOR BINANGGA NG TRUCK, RIDER UTAS, ANGKAS MALUBHA

    Isang 24-anyos na rider ang nasawi habang nasa kritikal naman na kondisyon ang kanyang angkas matapos salpukin ang kanilang sinasakyang motorsiklo ng isang Isuzu Elf truck sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.     Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang […]

  • 3 drug suspects kalaboso sa P448K shabu sa Caloocan

    SHOOT sa kulungan ang tatlong hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P.4 milyon halaga ng shabu sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr ang naarestong mga suspek na sina Charlie Cortez alyas “Charles”, 31, June Christian Rivera, 27 at Glenn Batucan, 35, pawang […]

  • Ads June 24, 2024