Bowlers, judoka sumikwat ng ginto
- Published on May 21, 2022
- by @peoplesbalita
HABANG tuluyan nang inangkin ng host Vietnam ang overall champion ay nakikipaglaban naman ang Pilipinas para sa No. 3 seat sa medal standings ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi.
Dalawang gold medals lamang ang nakamit ng mga Pinoy athletes mula sa national men’s bowling team at kay judoka Rena Furukawa kahapon.
Mayroon ngayong 40 golds, 57 silvers at 77 bronzes ang Pinas na nahulog sa No. 4 sa ilalim ng Vietnam (152-90-82), Thailand (62-65-95) at Indonesia (41-61-56).
Habang tuluyan nang inangkin ng host Vietnam ang overall champion ay nakikipaglaban naman ang Pilipinas para sa No. 3 seat sa medal standings ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi.
Nag-ambag ng silver sina judokas John Viron Ferrer (men’s -90kg) at Keisei Nakano (men’s -73kg) at may bronze si Megumi Kurayoshi (women’s -63kg).
Posible pang makahugot ng gold ang bansa mula sa boxing at esports.
Swak sa finals sina Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial (men’s -75) at Rogen Ladon (men’s -52kg) para makatiyak ng silver.
Minalas naman sina James Palicte (men’s -63kg), Josie Gabuco (women’s -48kg) at Riza Pasuit (women’s -57kg) para magkasya sa bronze.
Sa esports, umabante ang Team Philippines-Sibol sa finals ng Mobile Legends: Bang Bang men’s division matapos ang 2-1 panalo sa Singapore sa semis.
Nauna nang inangkin ng all-female team Sibol-Grindsky Eris ang ginto sa League of Legends: Wild Rift event.
Nagsulong ng silver sina IM Paulo Bersamina at GM Darwin Laylo (men’s team rapid), Christine Hallasgo (women’s marathon), archers Paul Marton Dela Cruz at Jennifer Chan (mixed team compound), wrestlers Alvin Lobreguito (men’s freestyle -57kg) at Jhonny Morte (men’s freestyle -65kg).
Samantala, nabigo ang national women’s volleyball team sa Vietnam, 23-25, 18-25, 16-25, sa pagtatapos ng preliminary at nahulog sa agawan sa bronze medal kontra sa Indonesia bukas.
-
Mga bagong talagang opisyales, nanumpa kay ES Bersamin
NANUMPA sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang ilang mga bagong opisyal na naitalagang manilbihan sa administrasyong Marcos. Kasama sa mga nasabing bagong opisyal si retired Police General Gilbert D. Cruz na nanumpa bilang Undersecretary ng Presidential Anti – Organized Crime Commission (PAOCC). Si Cruz ay nanilbihan din dati sa […]
-
Top 20 Business at Realty Taxpayers sa Navotas, pinarangalan
BINIGYAN ng pagkilala ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang Top 20 Business at Realty Taxpayers sa lungsod bilang pasasalamat sa kanilang kontribusyon sa patuloy na pagpapaunlad sa Navotas. Personal silang pinasalamatan nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco sa tapat at maagap nilang pagbabayad ng buwis at patuloy na pagsuporta sa layunin ng […]
-
IATF, nagpalabas ng protocols para sa fully vaccinated individuals
NGAYONG LINGGO ay nagpalabas ang Inter-Agency Task Force (IATF) ng protocols para sa fully vaccinated individuals. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga fully vaccinated individual ay nabakunahan na ng dalawang linggo o higit dalawang linggo matapos na makatanggap ito ng second dose sa 2-dose vaccine; sa mga single dose vaccine naman ay […]