• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Boxer Carlo Paalam pasok na rin sa round-of-16 matapos idispatsa ang pambato ng Ireland sa men’s flyweight

Lumakas pa ang pag-asa ng Pilipinas na podium finish sa nagpapatuloy na Tokyo Olympics matapos pumasok na rin sa round-of-16 ang Pinoy boxer na si Carlo Paalam sa nagpapatuloy na Tokyo Olympics.

 

 

Ito ay makaraang talunin niya nitong umaga ng Lunes sa kanyang debut game sa flyweight division ang pambato ng Ireland na si Brenda Irvine via split decision sa score na 4-1.

 

 

Si Paalam ang ikatlong boksingerong Pinoy na agad na naidispatsa ang mga kalaban.

 

 

Una nang umusad sa next round ang mga Pinay boxers na sina Nesty Petecio at Irish Magno sa round-of- 6.

 

 

Napansin na sa first round pa lamang ay abanse kaagad si Paalam sa limang mga judges at binigyan siya ng perfect score na 10.

 

 

Pagsapit ng Round 2 ay tinangkang humabol ng Irish boxer at naging dikitan ang laban hanggang sa third round.

 

 

Gayunman sa huling round ay bahagya pa ring nakalamang ang Pinoy boxer at dito na niya ibinuhos ang lahat para makuha ang panalo.

Other News
  • GUMAWA NA NG HAKBANG KONTRA OMICRON COVID VARIANT

    PINAKIKILOS  na ng  World Health Organization (WHO) ang gobyerno na gumawa ng mga depensibong hakbang laban sa Omicron COVID-19 variant.     Ang panawagan ng WHO ay Dahil kumalat na ang nasabing variant sa iba pang mga bansa.       Hinikayat ng WHO ang mga bansa na rebyuhin ang kanilang pagtugon o national response […]

  • 225 Filipino, napauwi na sa Pinas mula Ukraine

    UMABOT na sa 225 Filipino ang napauwi na sa Pilipinas mula Ukraine.     Ang pinakahuling batch ng mga repatriates, kinabibilangan ng 52 indibiduwal ay dumating sa bansa, Sabado ng gabi.     “There are 98 Filipinos outside of Ukraine who are awaiting repatriation while “a little over a hundred” chose to stay in the […]

  • LRT-1 Cavite Extension Project, 55.6% nang kumpleto – DOTr

    Nasa 55.6% nang kumpleto ang konstruksiyon ng Cavite Extension Project ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1), ayon kay Department of Transportation (DOTr) Arthur Tugade.     Ayon kay Tugade, matagal nang inaasam ng publiko, partikular na ng mga taga-Cavite, na matapos ang naturang proyekto lalo na at may 19-taon na itong naantala.     Sa […]