• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Boxing legend Oscar De la Hoya nakalabas na sa pagamutan matapos dapuan ng COVID-19

Nakalabas na sa pagamutan si boxing legend Oscar De la Hoya matapos na magpositibo ito sa COVID-19.

 

 

Sa kaniyang social media account, nag-post ito ng video sa kaniyang pinagdaanan.

 

 

Sinabi nito na tatlong araw siyang nanatili sa pagamutan matapos na tamaan siya ng nasabing virus.

 

 

Nasa magandang kalusugan na raw ito at hindi na siya makapaghintay na makabalik muli sa boxing ring.

 

 

Magugunitang hindi na natuloy ang laban nito kay UFC fighter Vitor Belfort sa Setyembre 11 matapos na madapuan siya ng virus.

 

 

Papalit na lamang sa kaniya para labanan si Belfort ay si dating boxing champion Evander Holyfield.

Other News
  • Ads February 9, 2021

  • Higit 8 milyong pasaherong naitalang dumating sa bansa – BI

    NAKAPAGTALA  ang Bureau of Immigration (BI) ng higit sa walong milyong passenger arrivals mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon, tanda ng pagsigla muli ng turismo at ekonomiya ng bansa.     Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na nakapagproseso sila ng kabuuang 8,117, 286 Filipino at dayuhang pasahero sa mga paliparan at port sa bansa.  […]

  • JOHN, napanood agad at mas astig ang role sa longest action-drama series ni COCO after na magka-isyu sa sitcom

    MULA nang pumutok ang issue involving Ellen Adarna sa sitcom na John en Ellen ay nag-stop taping na raw ang show.     Ellen has quit the show as well.     Hindi na rin napapanood ang program sa TV 5 every Sunday since August 1.     Si John Estrada naman ay napapanood na […]