Boxing superstars superfight: Alvarez vs Golovkin kapwa pasok sa weigh-in
- Published on September 19, 2022
- by @peoplesbalita
Tumimbang ng 167.8 pounds o bahagyang mabigat si Gennady “GGG” Golovkin habang mayroong 167.4 lbs. naman si Saul “Canelo” Alvarez para sa kanilang trilogy fight sa Las Vegas bukas, Setyembre 18.
Tiniyak ng 40-anyos na Kazakhstan boxer na hindi na niya palalampasin ang pagkakataon na talunin na ang Mexican superstar.
Sa unang paghaharap ng dalawa noong Setyembre 16, 2017 ay nagresulta sa split draw habang noong rematch sa Setyembre 2018 ay tinalo ni Alvarez si Golovkin sa pamamagitan ng majority decision.
Si Alvarez, 32, ay mayroong 57 panalo, dalawang talo, dalawang draw na mayroong 39 knockouts habang ang 40-anyos na si Golovkin ay mayroong 42 panalo, isang talo, isang draw at 37 KOs.
Sa weigh-in pa lamang kanina, jampacked na ang mga fans na bumuhos sa T-Mobile Arena kahit bukas pa ang 12 round championship fight.
Nakataya bukas ang mga korona ni Alvarez sa IBF, WBA, WBC at WBO super middleweight title.
Batay naman sa mga pustahan sa Caesars Sportsbook abanse si Alvarez bilang 5-1 favorite na mananalo umano sa kanyang ikatlong harapan kay GGG.
-
DOTr, nagpaaalala sa mga transport group ukol sa 20% discount ng mga estudyante
PINAALALAHANAN ng Department of Transportation (DOTr) ang mga public transport sa umiiral na 20% discount, kasabay ng muling pagbabalik eskwela. Ayon sa ahensiya, kailangang bigyan ng transport group ang mga estudyante ng akmang discount dahil isinasaad ito ng batas, partikular na ang Republic Act 1134 o ang Student Fare Discount Act na unang pang inaprubahan […]
-
Ilagay na ang NCR sa Alert Level 1 sa Marso
NAGKASUNDO ang mga alkalde sa buong Metro Manila na i-downgrade na ang National Capital Region (NCR) sa Alert Level 1 simula sa darating na Marso 1. Ayon kay Metro Manila Council chairperson at Parañaque Mayor Edwin Olivarez, ipapadala nila ang rekomendasyon nila sa Inter Agency Task Force (IATF), na siya namang maglalabas nang […]
-
Isko, Lacson, Ka Leody, Sotto tanggap na ang pagkatalo
NAG-CONCEDE na kahapon ang mga kumandidatong presidente ng bansa na sina Manila Mayor Isko Moreno, Senator Panfilo “Ping” Lacson, labor leader Leody de Guzman at ang tumakbong bise presidente ni Lacson na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III. Sa pamamagitan ng post sa Twitter, sinabi ni Lacson na pamilya naman niya ang […]