• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BOY, binigyang-linaw sa kanyang YouTube channel ang kumalat na ‘fake news’ na pumanaw na

SA pamamagitan ng kanyang YouTube channel, binigyang-linaw ni Boy Abunda na obviously, hoax o fake news ang kumalat na siya ay pumanaw na.

 

 

Nagulat daw ito nang ang daming nagtatawagan sa kanya. Maging ang longtime partner na si Bong Quintana, kahit nasa iisang bahay sila. Nasa itaas ito at nasa ibaba naman si Kuya Boy that time ay tumawag sa cellphone niya para lang daw marinig talaga ang boses niya.

 

 

Sabi ni Kuya Boy, “’Yung balita, pumanaw na raw si Boy Abunda dahil sa kumplikasyon sa sakit. Specific pa po ang balita dahil sa diabetes, sakit sa puso at marami pa pong iba.

 

 

     “Ang balita po, ang pagkakasulat ay hindi masama. It’s not actually degrading, it’s not insulting. Pero ang problema, isang malaking kasinungalingan dahil pinapatay na nila ‘ko, eh, buhay na buhay pa ako.”

 

 

Binanggit din ni Kuya Boy ang mismong YouTube site na nag-upload o post na siya ay patay na.

 

 

     “Alam niyo po ako, nasanay na rin ako. I’ve been into this before. I’m in the public realm. Nasanay na po tayo do’n sa totoo at hindi totoong nababalita. 

 

 

      “Hindi ko ugali, it’s not of my habit to answer these things.  I am only talking now because my family, my sister, Congresswoman Fe Abunda was here in my house yesterday, she seems worried. Kahit na ako na ang kausap.”

 

 

Sey rin niya, ano raw ba ang intensiyon ng page na ito?

 

 

“It is about money or a few hundreds or views or produkto ng sick man.”

 

 

Kaya warning niya, sana raw maging careful ang netizens sa mga nababasang fake news.

 

 

At hirit na lang ni Kuya Boy sa mga ito, “Pinapatay na nila ‘ko. Mauna na kayo. Hindi naman ako nagmamadali.  ‘Wag tayong mag-imbento ng buhay ng may buhay.  Buhay ko po ito at hindi niyo buhay.”

 

 

      ***

 

 

SOBRANG busy raw ni Heart Evangelista dahil nga kahit na sabihin pang sa July pa lang siya magsisimula ng lock-in taping para sa bagong serye sa GMA-7, ang I Left My Heart in Sorsogon, ang dami niyang pinagkaka-abalahan.

 

 

‘Yung mga collaboration niya sa iba’t-ibang artists at fashion, painting niya at mga businesses niya. Tipong 5:30 a.m, daw halos everyday, gising na siya.

 

 

Kaya nang may magtanong dito sa pa-“Chika Friday” niya sa Instagram kung paano niya hina-handle ang mga taong nagsasabi ng masasama sa kanya, nag-quote si Heart ng litanya ng namayapang Senator Mirian Defensor-Santiago na, “I eat death threats for breakfast.”

 

 

     “Every bash is equivalent to a blessing. Ohhh keep em coming… you don’t understand how instant God’s power works. If I can only say,” sey pa niya.

 

 

Kung may pinagsisihan daw ba ito na ginawa niya dahil sa trabaho, ito raw ‘yung hinayaan niya ang ibang tao na diktahan siya.

 

 

“Allowed people to dictate how I should be. As I celebrate the real me today, I am able to achieve more because I’m happy.  Unlike before I was just a robot but in a way I still don’t regret anything because after 23/24 years in showbiz all of that made me a better person.”

 

 

Pruning process daw yung time na yun para sa kanya.

 

 

***

 

 

MUKHANG may kaba talaga si Barbie Forteza ngayong sa unang pagkakataon, magla-lock-in taping na ang boyfriend na si Jak Roberto. 

 

 

Nang makausap namin sila via online, hiniritan na ni Barbie si Jak na baka matukso raw sa lock-in. Na noon pa lang, sinabi na ni Jak na hindi mangyayari.

 

 

Feel namin, may pinanggagalingan si Barbie at mukhang natakot siguro ito dahil sa mga issue ng nagkaka-developan during lock-in taping.

 

 

So sa ginawa nilang vlog, ang “Questions We Never Asked Each Other” yun na naman ang tinanong ni Barbie kay Jak. Kung posible raw ba na dahil matagal silang hindi magkikita, kahit 1% chance na matukso ito sa iba.

 

 

“Bakit kailangan mong tanungin?,” balik tanong ni Jak sa girlfriend.

 

 

Sey naman ni Barbie, “Kita mo mas natural ang reaction mo!”

 

 

Assurance naman ni Jak sa girlfriend, “Ikaw lang. Walang iba. 24 hours kitang kausap sa video call noong naka-quarantine ako, ‘di ba?”

 

 

Sabi pa ni Jak kay Barbie, “Parang hindi ina-update ‘to kung magtanong, e. Nanggigigil ako sa ‘yo.”

 

 

      Natatawa naman si Barbie dahil parang galit na raw si Jak.      Pero paliwanag ni Barbie kaya niya tinanong, “Gusto ko lang din naman na in-record para kung ano’t-anoman, sirain mo ‘yang sinabi mo na ‘yan.”

 

 

Binalik naman ni Jak ang tanong ni Barbie rito. Na sinagot naman agad ni Barbie nang, “Hindi” at nakapag-lock-in na nga raw siya.

 

 

At dahil dito, ang dami tuloy fans at netizens na nagwa-warning kay Jak na ‘wag na ‘wag raw itong matutukso talaga sa iba.

 

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Mahigit 1-M mga indibidwal lumikas na mula sa Ukraine mula nang salakayin ito ng Russia

    MAHIGIT isang million na mga indibidwal na ang lumipad paalis sa Ukraine simula nang magsimulang salakayin ito ng Russia.     Ayon sa datos ng UN refugee agency, tinatayang nasa 8.5 percent sa mga ito ay tumakas sa bansa patungo sa mga kalapit na bansa tulad ng Poland, Slovakia, Hungary, Moldova, Belarus, at Russia.   […]

  • Taga-showbiz na kakandidato, ‘di dapat matamatahin: Sen. BONG, pinayuhan ang mga bagong sasabak sa pulitika na isapuso ang paglilingkod

    OBSERBASYON sa nakausap namin na isang kilalang showbiz insider na higit na mas marami raw ngayon ang taga-showbiz ang nagnanais pasukin ang pulitika para makapaglingkod.   Pinangunahan ni Star for All Seasons Vilma Santos-Recto na naging ehemplo ng mga taga-showbis pagdating sa public servant, ang naghain ng kanyang COC.   Tatakbong gobernador muli ng Batangas […]

  • Kautusan ng DILG na hindi ipaalam ang brand ng COVID 19, binatikos ng CBCP

    Hindi sang-ayon ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines hinggil sa kautusan sa Local Government Units na huwag i-anunsyo sa publiko ang brand ng vaccine na gagamitin sa pagbabakuna.     Ayon kay Military Bishop Oscar Jaime Florencio, na siyang Vice-Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Health Care, hindi ito patas para sa mamamayan […]