BRAVEST MEN, HANAP NG VALENZUELA LGU
- Published on September 24, 2021
- by @peoplesbalita
NANANAWAGAN ang Pamahalaang Lokal ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor Rex Gatchalian sa mga matitikas at pinakamatatapang na lalaki sa lungsod na makilahok sa laban kontra COVID-19 bilang rescue personnel.
“Calling Valenzuela City’s bravest men! Join the COVID-19 battle as part of the City’s Rescue Team!” ani Mayor Rex.
Dapat aniya residente ng lungsod ang magiging aplikante, hindi lalagpas sa 35-ayos, hindi bababa sa 5’6” ang taas, physically fit at may katamtamang pangangatawan at, nakapag-aral ng kolehiyo/vocational course.
Kailangan din sa mga nagnanais na maging rescue personnel ang Land Transportation Office (LTO) professional driver’s license na may restriction code na hindi kukulangin sa 1 at 2, payag na sumailalim sa pagsasanay bilang rescue personnel, pasado sa driving at rescue skills test at payag magtrabaho sa paiba-iba o mas mahabang oras.
Ayon pa sa alkalde, ang mga interesadong aplikante ay hinihikayat na magpadala ng kanilang mga resume sa cityofvalenzuela.recruitment@gmail.com. (Richard Mesa)
-
Ads August 11, 2021
-
Hugh Jackman takes a Time-twisting Journey in ‘Reminiscence’ Trailer
WARNER Bros. has just unveiled the trailer for their new sci-fi thriller from Westworld co-creator Lisa Joy. Starring Hugh Jackman, the film titled Reminiscence follows a man who taps into the past through a futuristic machine. Watch the trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=_BggT–yxf0 Hugh Jackman in his latest film Reminiscence will take you on a […]
-
MMDA handa sa bantang 2-linggong welga ng PISTON
NAGDEKLARA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na handa sila sa balak na magkaron ng 2-linggong welga na gagawin ng mga grupo ng progresibong sektor ng transportasyon. Ayon sa balita na ang Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operaytor Nationwide (PISTON) at Manibele ay muling maglulungsad ng welga upang iprotesta ang plano ng […]