• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BRAVEST MEN, HANAP NG VALENZUELA LGU

NANANAWAGAN ang Pamahalaang Lokal ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor Rex Gatchalian sa mga matitikas at pinakamatatapang na lalaki sa lungsod na makilahok sa laban kontra COVID-19 bilang rescue personnel.

 

 

“Calling Valenzuela City’s bravest men! Join the COVID-19 battle as part of the City’s Rescue Team!” ani Mayor Rex.

 

 

Dapat aniya residente ng lungsod ang magiging aplikante, hindi lalagpas sa 35-ayos, hindi bababa sa 5’6” ang taas, physically fit at may katamtamang pangangatawan at, nakapag-aral ng kolehiyo/vocational course.

 

 

Kailangan din sa mga nagnanais na maging rescue personnel ang Land Transportation Office (LTO) professional driver’s license na may restriction code na hindi kukulangin sa 1 at 2, payag na sumailalim sa pagsasanay bilang rescue personnel, pasado sa driving at rescue skills test at payag magtrabaho sa paiba-iba o mas mahabang oras.

 

 

Ayon pa sa alkalde, ang mga interesadong aplikante ay hinihikayat na magpadala ng kanilang mga resume sa cityofvalenzuela.recruitment@gmail.com. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads January 27, 2021

  • Cardinal Advincula, ikinagalak ang mainit na pagtanggap ng religious communities

    Ikinagalak ng bagong talagang arsobispo ng Archdiocese of Manila ang mainit na pagtanggap ng religious communities.     Tiniyak ni Archbishop Jose Cardinal Advincula na bilang pastol ng arkidiyosesis sa mga relihiyoso at relihiyosa ang buong puso at tapat na paglilingkod sa pagpapalago ng bokasyon at pagpapastol sa kawan ng Panginoon.     “My role […]

  • Kung may nais na maulit sa kanyang buhay: KC, gustong maging best friends ulit sila ni SHARON

    KUNG si KC Concepcion pala ang tatanungin kung ano ang part ng buhay niya na gusto niyang maulit, ano iyon?       Natuwa si KC nang itanong sa kanya iyon, nang minsan makausap siya, the other day sa “Updated with Nelson Canlas.”     Ang sagot ni KC: “wow, good question! Gusto kong maging best […]