Bravo nawalan ng malay sa court
- Published on October 21, 2024
- by @peoplesbalita
SA HULING walong segundo ng fourth quarter ay nawalan ng malay ang nagbabalik na si Lyceum of the Philippines University forward JM Bravo.
Nagbanggaan kasi ang mga ulo nina Bravo at Arellano University guard Renzo Abiera sa agawan sa bola kung saan hawak ng Chiefs ang 90-86 bentahe sa Pirates.
Ilang minutong nanatiling walang malay ang 6-foot-2 wingman bago tuluyan siyang isakay sa stretcher palabas ng FilOil EcoOil Centre sa San Juan City at dalhin sa Cardinal Santos hospital.
Napaiyak sa bench ang ilang players ng Pirates pati na si coach Gilbert Malabanan.
Sa inisyal na medical report ay nagkaroon na ng malay si Bravo at nakakapagsalita, ngunit nahihirapan sa paghinga.
Nagpaputok si Lorenz Capulong ng career-high 30 points para igiya ang Arellano sa 91-86 paggupo sa Lyceum sa second round ng NCAA Season 100 men’s basketball kahapon.
Humakot din si Capulong ng 16 rebounds para pigilan ang dalawang dikit na kamalasan ng Chiefs at itaas ang baraha sa 4-8.
Bigo ang Pirates na matusok ang ikatlong sunod na panalo para sa 6-6 marka.
“Unang-una ‘yun kasi ‘yung pina-practice namin, ‘yung endgame namin. Kasi doon kami laging sumasablay,” ani Arellano coach Chico Manabat. “Siguro binigay sa amin ‘yung breaks and chance to win the game.”
-
Pinay tennis player Alex Eala nabigo sa unang round ng 2021 Junior Orange Bowl Tennis
Nabigo sa ikalawang round ng 2021 Junior Orange Bowl Tennis Championship girls’ singles si Filipina tennis player Alex Eala sa Florida. Hindi nakaporma ang 16-anyos na si Eala kay Kristyna Tomajkova ng Czech Republic sa score na 6-3, 6-3. Ito na ang kaniyang pang-huling torneo ngayong taon. Maglalaro pa […]
-
“Full fuel subsidy” para sa Agri sectors, hiling
MULING nanawagan ang grupong Anakpawis na “full fuel subsidy” na nagkakahalaga ng P15,000 sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. Ang pahayag ng grupo ay kasunod na rin sa panobagong pagtaas sa presyo ng gasoline na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis simula ngayong Martes Abril […]
-
Ads August 13, 2022