• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Brent Paraiso nagbabu na sa Letran Knights

PAGKALARO sa dalawang magkakaibang collegiate league at makatikim ng gayung dami ng kampeonato, pro rank na ang bet sa papasok na taon ni Brent Paraiso ng bagong koronang 98th National Collegiate Athletic Association 2022 seniors basketball three-peat champion Letran Knights.

 

 

Kasapi rin siya ng La Salle Green Archers na namayagpag sa 79th University Athletic Association of the Philippines 2016 men’s hoop at umabot sa 82nd edition 2019 finals sa pagtawid sa Santo Tomas Growling Tigers.

 

 

“Siyempre, ‘yan naman ang goal natin mula bata eh, umabot sa PBA (Philippine Basketball Association),” bulalas Lunes ng 6-foot-2 guard na tumawid ng CSJL sa NCAA noong 2020 nang masangkot ang UST sa ‘Sorsogon Bubble.’

 

 

Pinantayan niya at mga kasangga ang huling three-straight championship ng Intramuros-based squad na giniyahan ni Avelino ‘Samboy’ lim Jr. noong 1982-84.

 

 

“Sobrang saya kasi last year ko na eh, tapos nag-champion pa. Nag-simula ako, nag-champion kami, rookie year ko sa La Salle. Natapos, champion pa rin. Napakasarap sa pakiramdam,” wakas na sey ng basketbolista. (CARD)

Other News
  • Clippers star Kawhi Leonard inoperahan sa tuhod

    Sumailalim sa operasyon sa kanyang tuhod si Los Angeles Clippers star Kawhi Leonard.     Ang operasyon sa kanyang torn knee ligaments ay siyang dahilan ng hindi niya pagsali sa walong laro ng Clippers sa playoffs.   Natamo ang nasabing right knee injury sa laban ng Clippers sa Utah Jazz.     Dahil sa injury […]

  • Rafael Nadal binigo ni Zandschulp sa Davis Cup

    NABIGO si Spanish tennis star Rafael Nadal sa huling professional match nito sa Davis Cup.     Tinalo siya ni Botic van de Zandschulp mula sa Netherlands sa score na 6-4, 6-4.     Ang 38-anyos na si Nadal ay nag-anunsiyo na siya ay magreretiro kapag natapos na ang Davis Cup.     Ito lamang […]

  • “No vax, no ride” sisimulan sa Feb. 26 para sa mga essential workers

    ANG MGA walang bakuna at may isa (1) lamang na bakuna ay hindi na makasasakay sa mga pampublikong transportasyon simula sa Feb. 26 kahit na ang kanilang trabaho ay nasa kategoryang “essential workers” na siyang ipatutupad sa National Capital Region (NCR).     Ang nasabing desisyon ay pinagkasunduan nila Labor Secretary Silvestre Bello, Interior Secretary […]