• March 30, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BROMANCE nga raw kung tawagin ang muling pagkikita nila Ruru Madrid at Jon Lucas sa action-adventure series na ‘Lolong: Bayani ng Bayan.’

Huling nagsama ang dalawa sa ‘Black Rider’ kunsaan mortal silang magkaaway. Sa pagsasama nila ulit, madugong bugbugan daw ang mga eksena nila.
“Lagi akong excited. Totoo ‘to! Lagi akong excited makasama si Ruru sa isang eksena. Sabi ko nga sa kanya, wala na ‘kong ibang kakilala na kasing passionate niya sa ginagawa.
“Sobrang nakakatuwa si Ruru. Sobrang proud na proud ako sa kanya. Ang layo na ng narating niya,” papuri ni Jon sa Kapuso Action Prince.
Na-miss din ni Ruru si Jon kaya naghanda raw ito dahil alam niya ang husay ni Jon pagdating sa mga action scenes.
“Hindi ko rin alam kung bakit pero hindi na ‘ko makapaghintay na muli siyang makaharap. Makatrababo ko ang nag-iisang Jon Lucas, one and only, para sa natatatanging pagganap niya bilang si Lizardo.”
***
AVAILABLE na for streaming ang “Reyna” na debut single ni Sparkle beauty queen, actress, and host Michelle Dee.
Sakto ang release nito ngayong March kung saan ipinagdiriwang ang Women’s History Month dahil sa uplifting at empowering message ng kanta para sa kababaihan.
It’s finding everything that people call ugly in you but it’s up to you to find the beauty in that. That’s not just beauty queens, not just drag queens, but everyone that feels like that they are in their own right, a reyna also,” paliwanag ng former Miss Universe Philippines 2023.
Inihahanda na ngayon ni Michelle ang music video para sa kanta. Espesyal ito para sa kanya dahil naging bahagi siya ng creative process sa pagbuo nito.
“I’m so grateful that GMA and Sparkle, and of course ABS-CBN Music really allowed me to share my creative inputs, share what I know would resonate to my audience and my family which are also my fans. It’s really been a really fun, creative journey kasi I do have a lot of inputs on how I execute my vision and that creative story telling kaya I’m just happy that were all just playing on our strengths.”
***
HINDI raw makahindi ang multi-awarded American singer-songwriter na si Carrie Underwood nang i-offer sa kanya ang maging isa sa judges ng American Idol.
Hindi raw nagdalawang-isip si Carrie dahil malaki ang utang na loob niya sa American Idol. Siya ang tinanghal na season 4 winner at naging most successful American Idol winner with 85 million albums sold worldwide.
“It’s been 20 years. American Idol is a part of me and it is part of my history, and hopefully I’ve learned a lot from experience on the show and everything in the industry and hopefully I can bring that into my advice to those in front of us,” sey ni Carrie na naging kapalit ni Katy Perry sa show.
Carrie has 16 number one singles and was named by Billboard as top female country artist of 2000s and 2010s. She has 8 Grammys, 9 Country Music Awards, 12 Billboard Awards, 17 American Music Awards and a star in the Hollywood Walk of Fame and inducted at the Grand Ole Opry.
(RUEL J. MENDOZA) 
Other News
  • Nagpapasalamat sa lahat na patuloy na nagdarasal: KRIS, muling nagbigay ng update sa kalusugan at procedures na pinagdaraanan

    LAST June 30, muling nag-post sa Instagram si Queen of All Media Kris Aquino para magbigay ng update sa kanyang kalusugan.     Nasa Amerika nga si Kris kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby, para magpagamot sa kanyang karamdaman.     Panimula ni Kris na patuloy na lumalaban, “For now, 12 noon, […]

  • Bigtime ‘tulak’, 3 pa kalaboso sa P23.2 milyong shabu sa Caloocan

    UMABOT sa mahigit P23 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong drug suspects, kabilang ang isang itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos matimbog ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City, Huwebes ng madaling araw.       Matagumpay na naisagawa ang buy bust operation ng mga tauhan ni Caloocan police […]

  • Fernando, humakot ng 24 na parangal para sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS – Panibagong milyahe ang nakamit ng Lalawigan ng Bulacan sa ilalim ng pamumuno ni Gobernador Daniel R. Fernando sa pagtanggap nito ng kabuuang 24 na nasyunal at rehiyonal na parangal para sa unang anim na buwan ng ikalawang termino ng punong lalawigan.     Inialay ni Fernando ang mga parangal sa mga […]