• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BRP TERESA MAGBANUA, GAGAMITIN SA PAGPAPATROLYA

GAMITIN  sa pagpapatrolya ang bagong barko na BRP Teresa Magbanua ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea (WPS) sa sandaling makabalik ito mula sa  Regional Marine Pollution Exercise (Marpolex) 2022 sa Indonesia.

 

 

Sinabi ni  PCG Rear Admiral Bobby Patrimonio, ng  PCG Marine Environmental Protection Command, na ang nasabing barko ay gagamitin sa  “sovereign patrol” at palakasin ang maritime border security ng bansa.

 

 

Ayon kay Patrimonio, nagbigay ng direktiba si PCG Admiral Artemio Abu sa mga barko na muling magpatrolya sa WPS , sa Benham Rise.

 

 

Dagdag pa, ang BRP Teresa  Magbanua aniya ay handa na maghatid ng mga kalakal at tao sakaling magkaroon ng maritime incident o anumang sakuna.

 

 

Sa ngayon ang BRP Teresa Magbanua at ilan pang barko ng PCG ay naglalayag na patungong Makassar,Indonesia para lumahok sa Marpolex 2022 na gaganapin sa May 22 hanggang 29.

 

 

Makakasama ng PCG sa aktibidad ang Directorate General of Sea Transportation (DGST) ng Indonesia at Japan Coast Guard (JCG).

 

 

“Ang kahalagahan nito ay ang mapagtibay at paghandain iyong tauhan natin at saka iyong mga tauhan ng Indonesia in case of any transboundary oil spill,” sabi ni Patrimonio

 

 

Ayon pa sa opisyal, ang  “interoperability” nang  barko ng PCG ay masusubok din sa panahon ng pagsasanay.

 

 

Nitong Lunes ay isinagawa ang send-off ceremony para sa BRP Teresa Magbanua bago naglayag para sa  Marpolex 2022.

 

 

Kasama rin sa pagsasanay ang  BRP Gabriela Silang, BRP Malapascua, at BRP Cape Engaño ng PCG. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Alert level system para sa Covid-19 response, ipatutupad na sa buong bansa

    IPATUTUPAD na sa buong bansa ang alert level system para sa Covid-19 response.   Ito’y matapos tintahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Executive Order No. 151  araw ng Nobyembre 11.   Malinaw na nakasaad sa EO  na obligasyon ng estado na protektahan at itaguyod ang karapatan sa kalusugan ng mamamayan nito.   Iyon ang […]

  • Cardinal Advincula biyaya sa Archdiocese of Manila-Cardinal Tagle

    Isang biyaya ng Diyos para sa mananampalataya ng Arkidiyosesis ng Maynila si Cardinal Jose Advincula.     Ito ang mensahe ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples at dating arsobispo ng Maynila kay Cardinal Advincula na nakatakdang italaga sa Hunyo 24 bilang ika -33 arsobispo ng arkidiyosesis.     […]

  • Enrile, gustong ideklarang persona non grata ang ICC

    SINABI ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na hindi dapat payagan na makapasok ng bansa ang International Criminal Court (ICC) probers para magsagawa ng pormal na imbestigasyon hinggil sa kampanya laban sa illegal na droga ng pamahalaan.   “Pag punta dito, dapat wag papasukin sa bansa. Prevent him. The Immigration must not allow him […]