• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bryan Quiamco hari ng Ho Chih Minh City International Marathon

Giniyahan ni Bryan Quiamco ang pasabog ng Team Philippines 7-Eleven nitong Linggo sa 10th Ho Chi Minh City International Marathon 2022 sa Vietnam.

 

 

Kumawala sa 3-man lead pack sa 33K mark ang 36 na taong-gulang na Pinoy na tubong Kawit, Kauswagan, Lanao Del Norte pero residente na ng Roosevelt, Tibanga, Iligan City upang masungkit ang una niyang titulo sa tatlong international 42.195K footrace.

 

 

Tinugaygay ni Quiamco, ama ng tatlong supling, ang makabali-tuhod at makasabog bagang karera sa 2:38:28 sa pamumuno sa 1-2 walis ng ‘Pinas upang ibulsa ang VND40M (P112K) cash prize.

 

 

Si Jerald Sabal ng Bagumbayan, Sultan Kudarat ang sumegunda sa 2:4104 (VND24M) at si Vietnamese Dang Anh Quyet ang tersera (2:44:44, VND20,400). Pumang-apat ang isa pang Pinoy na si Florendo Lapiz (2:44:52, VND18M).

 

 

“Sobrang saya ko po dahil makakaipon na ako ng konti at makakabili na ng gamit ng aking anak na nag-aaral,” ani Quiamco na pumangalawa sa 2018 Jeju International Marathon (Korea) at sa 2019 Phuket Marathon (Thailand). “Nagpapasalamat po ako sa 7-Eleven dahil sila po ang nagbigay opportunity na makapaglaro ako sa ibang lugar.”

 

 

Nag-2-3-5 sa women’s division sina Jedelyn Miranda (3:13:04), Maricar Camacho (3:13:33) at April Rose Diaz (3:23:46). Si Vietnamese Doan Thi Hien ang reyna sa 3:08:54. (CARD)

Other News
  • Malakanyang, binatikos ang plano ng Senado na ipatawag si Durante para magpaliwanag ukol sa pagtuturok ng bakuna laban sa Covid- 19 sa mga PSG personnel

    BINATIKOS ng Malakanyang ang panukalang ipatawag si Presidential Security Group (PSG) commander Brigadier General Jesus Durante III sa SEnado para magpaliwanag ukol sa inoculation o pagbabakuna sa PSG troops gamit ang unregistered COVID-19 vaccine.   Umapela si Presidential spokesperson Harry Roque sa Senado na igalang ang hiwalay na kapangyarihan sa pagitan ng ehekutibo at leislaturang […]

  • Ilang kaso ng UK variant at South African variant naitala sa Navotas

    Inanunsyo ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na may sampung kumpirmadong kaso ng B.1.1.7. o UK variant ng COVID-19 sa lungsod at isa naman ang merong B.1.351 o South African variant, ayon sa pinakahuling report ng Department of Health.     Ayon kay Tiangco, kabilang sa mga barangay na may ganitong mga kaso ang Brgy. […]

  • Estudyante, 4 pa isinelda sa P448K shabu Malabon, Navotas

    MAHIGIT P.4 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa limang bagong indentified drug personalities, kabilang ang 18-anyos na estudyante matapos malambat sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities.     Ayon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon na […]