• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BSP sa financial institutions: Sundin ang mandatory 60-day grace period’ sa mga utang

NAGPAALALA ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa lahat ng mga bangko o financial institutions na agad na sundin ang itinatadhana ng bagong batas na dalawang buwan na puwedeng hindi muna bayaran ang pagkakautang.

 

Sa ipinalabas na memorandum ni BSP Gov. Benjamin Diokno, sinabi nito na ang 60-days na grace period sa mga loans ay nakapaloob sa Bayanihan 2 law na epektibong naging batas simula September 15.

 

Batay sa Bayanihan to Recover As One o kaya Bayanihan 2 law, sakop ng batas ang lahat nga mga institusyon sa bansa na tuparin ang mandatory one- time 60-day grace period sa mga kasalukuyan o current at outstanding loans.

 

Nagpaalala naman ang BSP na maaari namang lumampas pa sa 60-days ang grace period nang pagbabayad ng interes o kaya naman ay utay-utay kahit higit pa sa December 31, 2020 depende sa kanilang mapagkakasunduan.

 

“The mandatory one-time 60-day grace period shall apply to each loan of individuals and entities with multiple loans,” bahagi ng memorandum ni Diokno.

Other News
  • VICTORY PARADE NG LAKERS APEKTADO NG COVID-19

    KUMPARA sa mga tradisyunal na ginagawa, kailangan munang maghintay ang mga fans ng Lakers para sa isang victory parade matapos angkinin ng koponan ang kanilang ika-17 NBA championship.   Sinabi kahapon ng Lakers management na hindi sila magsasagawa ng anumang klase ng public celebration bilang pag- iwas sa pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).   “We […]

  • DOTr: Hiniling na isama ang bike lanes sa Google maps

    Hinihiling ng Department of Transportation (DOTr) na isama ang mga bike lanes sa dashboard ng kilalang real-time navigation app na Google Maps upang matulungan ang mga seklista sa kanilang paglalakbay.       Nakikipag-ugnayan na ngayon ang DOTr sa Google tungkol sa kanilang hiling na isama ang mga bike lanes sa Google maps.     […]

  • Ads June 2, 2021