• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BTS sa Kongreso

Nagsanib puwersa sina dating Speaker Alan Peter Cayetano at anim na kaalyadong mambabatas nito para magbuo ng grupo o bloc sa kamara na tinawag nilang “BTS sa Kongreso,” base sa isang sikat na South Korean boyband.

 

Isang media event ang ginanap kahapon January 14, Huwebes  sa Quezon City para sa paglulunsad ng naturang grupo na inaasahang magsisilbing boses sa mga isyu at polisiya ni Speaker Lord Allan Velasco.

 

Ang grupo ni Cayetano, tulad ng pinaggayahang pangalan ng boy band ay kinabibilangan nina Camarines Sur Rep, Luis Raymund Villafuerte Jr., Laguna Rep. Dan Fernandez, Batangas Rep. Raneo Abu, Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, Bulacan Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado at Capiz Rep. Fredenil Castro.

 

Sina Villafuerte, Fernandez, Abu, at Castro ay nagsilbing mga deputy speakers sa ilalim ng liderato ni Cayetano habang sina Sy-Alvarado at Defensor ay nagsilbing chairman naman ng House Committees on Good Government and Public Accountability at Public Accounts.

 

Kung matatandaan noong 17th Congress, binuo ng pitong mambabatas ang isang independent bloc matapos pagtalunan ang usapin sa minority leadership na tinawag nilang “Magnificent 7,” base sa titulong ng pelikula noong 2016 na pinagbibidahan ni Denzel Washington.

 

Noong 1999, binuo naman ng mga nakababatang kongresista ang ‘spice boys’ na kritikal sa dating pangulong Joseph Estrada, na katapat sa kilalang British girl group na Spice Girls kung saan miyembro din noon si Defensor.

 

Ang grupong BTS o kilala bilang Bangtan Boys ay binuo noong 2010 at kinabibilangan nina RM, Jin, Suga, J-Hope, Jimin, V, at Jungkook.  (ARA ROMERO)

Other News
  • Marvel’s Shang-Chi Confirmed To Release Only In Theaters By Disney

    MARVEL Studios’ Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings movie will release only in theaters on September 3 according to the Disney CEO Bob Chapek.     The second movie in the Marvel Cinematic Universe Phase 4 is set to introduce Simu Liu as the titular hero, Shang-Chi. As has been confirmed by the film’s title […]

  • Posibilidad na ‘external threat’ ang sanhi sa New Year’s Day glitch sa NAIA kasama sa iniimbestigahan – DOTr

    KABILANG  sa iniimbestigahan ngayon ng Civil Aviation Authority of the Philippines Aerodrome and Air Navigation Safety Oversight Office (AANSOO) ang posibilidad na “external threat” ang dahilan sa nangyaring technical glitch sa NAIA na naging sanhi sa total shutdown ng operasyon ng paliparan at pagkansela sa mahigit 300 mga international at domestic flights at nasa nasa […]

  • Tanggap na na talaga ng pamilya ang kanilang relasyon: RUFFA, kasamang nag-Christmas si HERBERT

    KASAMANG nag-Christmas si senatorial candidate Herbert Baustista ang rumored girlfriend niya na si Ruffa Gutierrez at ang buong pamilya nito.   Sa TikTok video nga na pinost ng aktres, na nag-exchange gift ang kanyang pamilya at makikitang na magkausap sina Herbert at Ramon Christopher Gutierrez.   Sa last part ng video, kita rin na tinawag […]