• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bucks ayaw magkampante kahit nasa ‘best start’ ngayong season

Hindi umano nagpapakampante ang Milwaukee Bucks kahit ito ngayon ang best team sa NBA, dahil sa patuloy na pamamayagpag na meron ng siyam na panalo at isa pa lamang ang talo.

 

Ang best start ngayon ng Bucks ay itinuturing din na pinakamagandang record sa kanilang franchise history.

 

Ngayon pa lamang usap-usapan na ng mga sports analysts na posibleng umabot muli sa NBA finals ang team.

 

Gayunman ayon sa mga players hindi pa tapos ang kanilang misyon.

 

Ayon kay Bucks guard Jrue Holiday, lahat silang mga players ay nakapokus at naka-lock in.

 

Napansin din kasi ang pamamayagpag sa performance ng two-time MVP na si Giannis Antetokounmpo na matuturing best starts ng kanyang career.

 

Sa ngayon ang Milwaukee din ang top team sa NBA pagdating sa defensive efficiency sa ikatlong pagkakataon sa nakalipas na limang season sa ilalim ni coach Mike Budenholzer. (CARD)

Other News
  • Face-to-face classes, napapanahon na — Pangulong Marcos

    WALA nang makakapigil sa pagbabalik ng “full face-to-face” classes matapos itong banggitin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA).     Ayon kay Marcos, na­niniwala siya na panahon na para bumalik sa mga silid aralan ang mga estudyante.     “In the educational sector, I believe it is time […]

  • 2 barangay sa Navotas, isinailalim sa lockdown

    ISINAILALIM sa dalawang linggong lockdown ang dalawang barangay sa Navotas City simula August 3 ng hating gabi hanggang 4am ng August 16 dahil sa mabilis na pagdami ng hawaan ng COVID-19.       “Napilitan po tayong magpatupad ng lockdown sa Tanza 1 at Tanza 2 dahil sa mabilis na pagdami ng mga nahahawaan ng […]

  • Dagdag gastos sa Tokyo Olympics, pinaplantsa na

    Magpupulong ngayong araw ang organizing committee ng Tokyo Olympics 2021 para pag-usapan ang karagdagang gagastusin nila sa opening at closing ceremonies.   Plano kasi ng organizer na gumastos ng karagadang $33.7 million.   Nauna ng mayroong $82 million ang inilaan na budget sa opening ceremony subalit dahil sa coronavirus pandemic ay hindi ito ipinagpatuloy.   […]