Bucor Director Bantag, suspendido
- Published on October 22, 2022
- by @peoplesbalita
SUSPENDIDO si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag matapos ang pagkamatay ng umano’y middleman sa pamamaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid.
Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspendihin si Bantag sa kanilang naging miting, araw ng Huwebes.
“I went to the President to tell him about this… he asked me to preventively suspend Undersecretary, Director General Bantag of BuCor, so that there may be a fair [and] impartial investigation on the matter,” ayon kay Remulla.
Wika pa ni Remulla, itinalaga niya si dating Armed Forces chief of staff Gregorio Catapang Jr. bilang officer-in-charge ng Bucor.
Sa kabilang dako, siniguro naman ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos na may mananagot kung mapapatunayang may foul play sa pagkamatay ng umano’y middleman sa pamamaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid.
Ani Abalos, nakakapanghinayang dahil pinaghirapan ng mga pulis ang kaso pero namatay ang itinuturong middleman sa kaso.
Nauna rito, kinumpirma ni Justice Sec. Crispin Remulla na patay na ang middleman sa pagpatay kay Lapid.
Batay pa sa paunang impormasyon, nahirapan umano itong makahinga at idineklarang dead on arrival sa New Bilibid Prison hospital.
Samantala, sinabi pa ni Abalos na nagpapatuloy ang otopsiya sa mga labi nito upang matukoy kung ano ang tunay na dahilan sa pagkamatay ng naturang middleman.
Pagtitiyak pa ng kalihim na walang magiging epekto sa Percy Lapid case ang pagkamatay ng sinasabing middleman na nasa loob ng Bilibid dahil nagti-triple kayod na ang kapulisan upang matukoy kung sino talaga ang mastermind o utak sa pamamaslang sa mamamahayag na si Lapid. (Daris Jose)
-
Bulacan, tumanggap ng P175M na ayuda mula sa DA para sa binhi at pataba
LUNGSOD NG MALOLOS– Inihatid ni Kalihim William D. Dar ang sertipiko ng tulong pinansyal para sa binhi at pataba na nagkakahalaga ng P175,923,000 sa lalawigan ng Bulacan sa isinagawang Rapid Damage Assessment on Agriculture and Fisheries na dulot ng Bagyong Ulysses sa Balagtas Hall, Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod na ito. Ito […]
-
PBA player na unang nagpositibo sa COVID-19, nag-negatibo na sa antigen test
NAGNEGATIBO na COVID-19 sa isinagawang antigen test ang manlalaro na naunang nagpositibo sa virus. Ayon kay PBA Deputy Commissioner Eric Castro, na hinihintay pa ang resulta ng RT-PCR swab test ng manlalaro mula sa Blackwater. Itinuturing na kahalintulad din ng nangyari sa isang referee na Carly abala sa gym KAHIT hindi pa nagbabalik […]
-
Sa pagbabalik nila sa lock-in taping sa Vigan City: ROCCO, nag-aalala dahil malapit nang manganak ni MELISSA
CONGRATULATIONS to Kapuso actor Mike Tan. Kahit pala pandemic, nagpasya si Mike na ipagpatuloy ang kanyang college studies, ngayon ay graduate na si Mike ng Bachelor of Science in Psychology sa Arellano University. Nagpasalamat si Mike sa kanyang Instagram post: “I’m grateful to God for His presence, provision, and His pipelines […]