• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bukod kay Winwyn na ‘di natuloy: ALDEN, inamin na iniwanan niya si JULIE ANNE kaya nag-sorry after seven years

OF course, hindi mawawala na magkaroon ng iba-ibang reaction ang mga netizens na nanood ng “Fast Talk with Boy Abunda,” last January 25. 

 

 

Sa third day ng airing ng talk show na special guest ni Boy si Asia’s Multimedia Star Alden Richards.  Naging matapat naman si Alden sa pagsagot sa tanong ni Boy kung sino ang muntik na niyang naging girlfriend sa mga stars ng GMA, pero hindi natuloy.

 

 

Nagkatawanan ang studio audience nang sagutin ni Alden na ‘dalawa po.’

 

 

Sina WinWyn Marquez at Julie Anne San Jose, na ngayon lamang niya binanggit sa mga interviews niya. Ipinaliwanag ni Alden na kay Win, hindi raw nagtuloy ang panliligaw niya dahil naging very busy na sila pareho noon at nawalan na sila ng time sa isa’t isa.

 

 

“Kay Julie po, nag-decide ako noon na bigyan ko ng priority ang pagtatrabaho ko bilang artista, nagkasunud-sunod na rin ang trabaho ko at parang naiwan ko na siya,” paliwanag ni Alden.

 

 

“Siguro po after seven years na hindi kami nagkakausap, minsan na naiwanan kaming dalawa sa “Sunday Pinasaya,” kinausap ko siya, humingi ako ng tawad na iniwanan ko siya, sana ay mapatawad niya ako.

 

 

“Since then po naman hanggang sa ngayon naging best of friends na kami.”

 

 

Hindi rin naiwasang maging emosyonal si Alden nang ipakita ni Boy ang photo ng namayapa niyang ina, si Mommy Rosario, ang naging dahilan kung bakit siya nag-artista, ay wala na sa kanyang tabi para pag-alayan ng lahat ng tagumpay na natanggap niya.

 

 

Meanwhile, bukas na, January 28, ang Myriad Esports Cup Grand Finals, na produced ni Richard Faulkerson, Jr.  Gaganapin ito sa Ynares Sports Center sa Shaw Blvd., Pasig City.

 

 

Gates will open at 10am, at mapapanood naman sa Facebook Page ng Myriad Esports Cup at 7pm.  Over-all-in-charge of Production si Vince P. Mariano, Supervising Producer si Mona Coles-Mayuga at Executive Producer naman si Leysam Sanciangco.

 

 

Sino kaya ang magiging winner ng Myriad Esports Cup?  May 32 teams ang magku-compete for the title of the First Myriad Esports Cup Champion, sponsored by @ExperienceCNVRG @mcdo_PH @Oxecure_PH at @StingEnergy.

 

                                          ***

 

 

NGAYONG open nang mag-collaborate ang mga producers and networks sa mga projects na gusto nilang gawin para sa mga artistang gusto nila sa kanilang gagawing movie or teleseryes, matupad na kaya ang wish ni Director Lino Cayetano?

 

 

Type niyang magawa ang dream reunion project na matagal na niya gustong gawin sa mga winners ng first “StarStruck” ng GMA Network na mga winners sina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Rainier Castillo, Yasmien Kurdi, Sheena Halili,  at iba pa.

 

 

Si Direk Lino kasi ang first director ng “StarStruck” noong nasa GMA pa siya.  Ngayon, balik na siya sa pagdidirek at may sarili na siyang production, ang Rein Entertainment at pwede na siyang makipag-collaborate sa GMA.

 

“I’m very proud kasi sa kanila, lahat sila nagkaroon ng pangalan sa industry,” sabi ni Direk Lino.  “Kaya sana payagan sila ng GMA na gumawa ng project sa akin.”

 

May collab na ngang gagawin ang GMA Network at ABS-CBN, na magtatampok kina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Gabbi Garcia at Joshua Garcia, sa isang teleserye, na kukunan sa Switzerland.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • PBBM, madamot na magbigay ng komento sa isyu ng speakership sa Kongreso

    HANGGANG sa ngayon ay madamot pa rin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magbigay ng komento  sa isyu ng liderato sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa gitna ng umugong na balita na plot o planong  patalsikin si  Speaker Martin Romualdez sa posisyon nito.     “I won’t make any comments about the speakership, as of […]

  • Phl Consulate General sa New York umapela ng pag-unawa sa mga botante kasunod ng delay sa delivery ng mga balota

    UMAPELA ng pag-unawa ang Philippine Consulate General sa New York sa mga Pilipinong botante doon kasunod delay sa shipment ng election paraphernalia mula sa Pilipinas.     Sinabi ni Consul General Elmer Cato na asahan ng mga Pilipinong botante sa New York at mga katabing lugar na matatanggap nila ang kanilang election packets sa mga […]

  • Ads February 1, 2021