• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bukod kina Dingdong at Julie Anne na napili: BARBIE, labis na napahanga si Mr. M kaya gustong makatrabaho

SI Johnny Manahan o si Mr. M ay isang consultant sa GMA Sparkle Artist Center, at director din ng ongoing singing contest na “The Voice Generations” hosted by Dingdong Dantes. 

 

 

At si Julie Anne San Jose naman ang isa sa apat na coaches na kinabibilangan din nina Chito Miranda, Billy Crawford at Stell Ajero ng SB19.

 

 

Sa isang virtual conference, para sa Sparkle Artist Center, natanong siya kung sino among the GMA Artists ang gusto niyang i-collaborate for the first time, or in the future,

 

 

Tatlong pangalan lamang ang binanggit niya, sina Barbie Forteza, Dingdong at si Julie Anne.  Bakit sila ang napili ni Mr. ?

 

 

Iba raw kasi ang screen presence ni Barbie on screen.

 

 

Sabi niya “There’s Miss Klay.  Tuwang-tuwa ako habang pinapanood ko siya sa ‘Maria Clara at Ibarra.’  She’s small, pero ang acting niya, parang she’s 10-feet tall.  Isa siya sa gusto kong makatrabaho.”

 

 

Kahit nga raw dinidirek ni Mr. M sina Dingdong at Julie Anne sa “The Voice Generations” ngayon, gusto pa rin niyang makatrabaho sila muli sa iba namang proyekto.

 

 

“Naidirek ko na noon si Dong for a small section ng isang clothing brand’s annual event, matagal na. He’s a fine actor,  nasundan ko ang mga work niya at napatunayan kong mahusay siya talaga.

 

 

“Bilang host, hindi ko pa siya nasundan, pero ngayon, nasorpresa ako, isa pala siya sa mga finest hosts na mapapanood mo ngayon, dama mo ang presence niya sa buong studio.  Pero gusto ko siyang makatrabaho sa ibang proyekto naman in the future.

 

 

“With Julie Anne, gusto ko naman siyang makatrabaho sa isang music-related, pero iba naman sa kanyang special musical trilogy na “Limitless.”  Gusto kong gumawa ng ibang kalokohan,” natatawang wika ni Mr. M.

 

 

***

 

 

MARAMING nalungkot sa magkasunod na pagpanaw ng parents ni Erik Santos.

 

 

Ulilang lubos na nga si Erik, kaya ang mga friends and fans naman niya, ang sinasabi ay time na raw siguro niyang humanap ng makakasama niya sa buhay.

 

 

“Mahirap ang mag-isa sa buhay, at nagdadasal ako na magkaroon na rin ng sariling pamilya,” pahayag ni Erik.  “I hope na makilala ko na ang the one.”

 

 

Alam daw ni Erik na hindi rin magandang mag-isa lamang sa buhay, kaya nga raw lamang, sa ngayon ay hindi pa siya ready dahil kasalukuyan pa rin siyang  nagri-recover sa pagkawala ng mga magulang niya.

 

Soon, tiyak daw naman niyang mararamdaman na niya na ready na siyang magkaroon ng sariling pamilya.

 

 

Sa tanong sa kanya kung ano ang hinahanap niyang mapangasawa, siyempre raw ay gusto niya ay maganda at biro pa niya, “masarap gumising na maganda ang katabi ko.

 

 

“Gusto ko rin na mauunawaan niya ang trabaho ko at makakasundo niya ang personalidad ko, iyong makaka-adjust siya sa akin at makaka-adjust din ako sa kanya.

 

 

“Hindi na ako mamimili, Choosy pa ba ako, basta maganda siya at maganda rin ang kanyang kalooban, okey na sa akin iyon.”

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • US, Japan mamumuhunan ng $100B sa Pinas sa susunod na 5-10 taon -Ambassador Romualdez

    INAASAHAN na magbubuhos ang Estados Unidos at Japan ng $100 billion na pamumuhunan kabilang na ang enerhiya at semiconductors sa Pilipinas sa susunod na 5 hanggang 10 taon.     Ang investment package ay inaasahan na ia-anunsyo sa isasagawang trilateral summit sa pagitan ng Pilipinas, Estados Unidos at Japan sa White House ngayong araw ng […]

  • Mass wedding, pinapayagan na ngayong pandemic – DILG

    Kinumpirma ng Department of Interior and Local Government (DILG) na maaaring magsagawa ng mass wedding kahit nasa gitna pa ng pandemic ang bansa.   Kailangan lamang daw siguraduhin ng mga local government units (LGUs) na nasusunod pa rin ang mga health protocols na ipinapatupad ng gobyerno.   Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na papayagan […]

  • Samples ng 8 pasaherong kasama ng lalaking positibo sa UK COVID-19 variant, ipinadala sa genome center

    Ipinadala na ng Philippine Red Cross  (PRC) sa Phippine Genome Center ang mga samples mula sa walong pasaherong nakasama ng nagpositibo sa UK variant ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19). Una rito kinumpirma ng PRC na positibo sa Coronavirus ang walong pasaherong kasabay ng Pinoy na dumating a bansa. Ayon sa Red Cross, ipapadala sa Philippine […]