• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bukod pa kanyang pagiging Navy reservist: KYLE, very vocal sa pagsasabing papasukin ang pulitika balang-araw

NGAYONG nasa Viva na si Kyle Velino, biglang naiba ang kanyang landas, matapos niyang magpaka-daring noon sa Boy’s Love series na ‘Gameboys’.

 

 

Sa ‘Martyr Or Murderer’ kasi, ginagampanan niya ang papel ni Greggy Araneta. Bukod dito, very vocal si Kyle sa pagsasabing nais niyang pasukin ang pulitika balang-araw.

 

“Medyo sineseryoso ko po talaga kung ano man po yung puwede kong maitulong sa ating gobyerno.

 

“Kung anuman po ang posisyon, kahit any in the government po, talagang I’ll do my best. Kaya po nag-reservist ako sa Navy. Parte po yan.

 

“Nag-aaral po ako ngayon ng mga extra courses. Pero siyempre, alam ko naman pong kaya ko. And siyempre, Panginoon ang makakapagsabi kung ano ang para sa iyo pero iyon po ang ginagawa ko ngayon,” pahayag ni Kyle na unang gumanap bilang Greggy sa ‘Maid In Malacañang’.

 

Tungkol naman sa kanyang pagiging Navy reservist…

 

“Yung sa Navy, very unexpected po. Nayaya lang din po ako ng ibang celebrities tulad nina Kuya Jason Abalos, sila po ang mga kasabay ko, e.

 

“So very productive, hindi ko akalain na ganun yung training ng pagiging reservist. Hindi ko talaga siya naiintindihan nung pumasok ako about three months ago po yata.

 

“Yung training po namin, two months. First month po nun, puro zoom. Kasi, yung reservists daw, puro civilian yan, e.
“May abogado, may doktor. Iba-iba po talaga, may celebrity, may pulitiko. So ngayon po, ang Navy, pinapalawak po nila ang campaign nila to invite yung mga civilian para maging reservist.

 

“Siyempre mas gusto natin na tulad ng ibang bansa, kapag civilian ka, alam mo rin kung ano ang dapat gawin, prepared ka rin sa kahit anong disaster.”

 

Dagdag pa niya, “Yung training po namin, first month, puro zoom every weekend. Tapos yung second month, every weekend din po, face-to-face training sa camp sa Taguig.

 

“Dun po ginawa yung military formations, pagkalas ng baril, firing, lahat po. And then ang pinaka-finale po ay four-day training sa Ternate, Cavite. It’s inside the camp.

 

“Four days straight po kayong nandun. Nandun lahat ng training, lahat ng ituturo sa inyo. It’s not easy.

 

“Akala ko nga, madali. ‘O, ambassador ka naman diyan, tapos reservist.’ Akala namin, medyo may special treatment.
“Pero wala. Wala po. Nung pumasok kami dun, kung ano ang training ng reservist, kung ano ang training ng sundalo, halos ganun po yung ginawa namin.

 

“Disiplina po talaga. Imagine, 4:00 am, gising ka, ito lang ang pagkain ninyo, training buong araw. Matatapos kayo, 10:00 pm.

 

“Hirap kang matulog. Kasi, nasa tent kayo. Hindi kayo makaligo. It was hard actually. To be honest, it was really hard, but it was fulfilling talaga.

 

“Very fulfilling kasi brotherhood, marami kang na-meet, marami kang nakilala na different people from different walks of life.

 

“Bilang isang bata naman po, nagta-try ako ng mga bagong things and itong pagiging Navy reservist, I’m very proud po talaga.”

 

Bukod sa showing ngayon ang ‘Martyr or Murderer’, ay naka-schedule na rin ang showing ng Viva Films movie sa Middle East (Marso 9), USA (Marso 10), Singapore (Marso 10), Taiwan (Marso 11 at 12), at Australia (Marso 11), Tokyo (Marso 19, Abril 2, Abril 9), Osaka (Marso 26), Nagoya (Abril 2), Saitama Urawa (Abril 2), Hachioji (Abril 9), at Saitama Kawaguchi (Abril 9).

 

Ia-announce soon ang release dates sa Hong Kong, Austria, Italy, Greece, at Israel.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Pagpapaliban ng Barangay, SK elections, isinulong

    ISINULONG ng isang bagitong mambabatas ang pagpapaliban ng eleksyon ngayong Disyembre para sa Barangay at Sangguniang Kabataan.     Paliwanag ni Davao Oriental Rep. Cheeno Miguel Almario na ito ay upang mabigyan pa ng panahon ang mga Pinoy at bansa na maka-recover mula sa impact ng COVID-19 pandemic, maging ng katatapos na national at local […]

  • Silip sa dating PBA coach

    NATATANDAAN pa po ninyo si Bill Bayno?     Siya po ang kontrobersiyal na naging coach sa Philippine Basketball Association (PBA) sa Talk ‘N Text Phone Phone Pals (Talk ‘N Text Tropang Giga na ngayon) noong 2001-2002.     Kontrobersiyal ang pananatili niya sa ‘Pinas dahil kinalaban siya at ang TNT ng Basketball Coaches Association […]

  • Ads September 10, 2020