Bukod sa launching ng kanyang ‘Love Local’ series… Sen. IMEE, aalamin ang mga sikreto ni BORGY sa exclusive and must-watch vlog
- Published on September 2, 2022
- by @peoplesbalita
ISA na namang kapana-panabik na bonding session kasama si Senator Imee Marcos dahil sasalubungin niya ang buwan ng Setyembre sa pamamagitan ng dalawang bagong vlog entries na mapapanood sa kanyang opisyal na YouTube channel.
Sa araw na ito, Setyembre 2, opisyal na ilulunsad ni Sen. Imee ang pilot episode ng kanyang ‘Love Local’ series, habang ipinapakita ang pinaka-bonggang natuklasan mula sa kanyang probinsya na Ilocos Norte.
Una niyang pinuntahan ang Paoay Church na kung saan tinikman niya ang mga masasarap na pagkain na mabibili sa paligid nito tulad ng sikat na sikat na Ilocos empanada, fruit ice creams, halo-halo, at ang one-of-a-kind longganisa pizza.
Pumunta rin ang walang kapaguran na Senadora sa La Preciosa kung saan ipinakita niya ang mga paboritong pasalubong mula sa Ilocos gaya ng banana chips, mushroom bagnet, at iba’t-ibang klase ng longganisa. Tinikman din niya ang masasarap at sikat na mga lutuin ng Ilocos.
Bilang isang taga-suporta ng local fashion at homegrown artists, ipinagmalaki rin ni Sen. Imee ang mga export quality na Inabel at Binakol fabrics ng lalawigan.
At ngayong Sabado, Setyembre 3 naman, umupo si Imee kasama ang kanyang anak na si Borgy Manotoc para sa isang exclusive and must-watch vlog. Na kung saan tinanong niya si Borgy ng mga nakaloloka at kuwelang mga tanong sa isang nakatutuwa at heartwarming na episode na tiyak na pag-uusapan ng mga netizens.
Alamin ang mga best picks ni Sen. Imee mula sa Ilocos at tunghayan kung malalaman niya ang mga personal na sikreto ng anak na si Borgy. Mag-subscribe lang sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured para mapanood ang kanyang latest and previous vlogs.
(ROHN ROMULO)
-
Rest In Peace: Ligaya F. Callejo
Si Mrs. Ligaya F. Callejo, ay isinilang noong Marso 3, 1964 sa San Clemente, Tarlac. Siya’y masiyahin at mabait na Teacher sa kanyang mga estudyante, kapwa guro, kaibigan, lalo na sa kaniyang pamilya. Siya ay nagturo sa F. Serrano Sr. Elementary School sa Parañaque ng 29 taon. Subalit noong Setyembre 30, 2019 sa edad na […]
-
PH Jeanette Aceveda out na sa Tokyo Paralympics matapos magpositibo sa COVID-19 test
Kinumpirma ng Philippine Paralympic Committee (PPC) na hindi na makakalaro sa kanyang event ang discus thrower na si Jeanette Aceveda sa 2020 Tokyo Paralympic Games matapos na magpositibo sa COVID-19. Liban kay Aceveda, maging ang kanyang coach na si Bernard Buen ay nagpositibo rin sa isinagawang mandatory daily saliva antigen test at sa […]
-
Ads January 27, 2023