Bulacan 911, maaari ng tawagan para sa anumang emergency
- Published on October 30, 2021
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS– Operasyunal na at maaari nang tumawag sa emergency hotline 911 ang mga Bulakenyo para sa anumang uri ng emergency na nangangailangan ng agarang tugon matapos pormal na ilunsad ang Bulacan 911 kaninang umaga sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito.
Sinabi ni Gob. Daniel R. Fernando na matapos ang matagal na paghihintay, mabilis at madali nang makatatawag ng libre ang mga Bulakenyo sa oras ng sakuna.
“911 is very famous not only in the country at napakadaling tandaan. Kaya binabati ko ang lahat ng ka-partner natin dito para maglaan ng dagliang tugon sa ating mga kababayan 24/7. Ang kailangan kasi natin talaga, mabilis na komunikasyon, maayos na linya ng komunikasyon at mabilisang pagtugon,” ani Fernando.
Sinabi naman ni Bise Presidente Dennis G. Magbatoc na pinuno rin ng Corporate Relationship Management-PLDT Enterprise, na higit na nagkakaroon sila ng inspirasyon na maging bahagi ng programa dahil maraming mga lokal na pamahalaan ang tumutugon sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magkaroon ng kani-kanilang lokal na 911 call center para sa emergency.
“Since it was approved na ang 911 ang siyang magiging nationwide emergency answering point kapalit ng patrol 117, lalong pinag-ibayo ng PLDT ang pagbuo ng cloud-based contact center platform upang gamitin sa 911 hotline,” saad ni Magbatoc.
Aniya, Bulacan ang pinakabagong nadagdag sa mga lokal na pamahalaang naglunsad na ng 911 hotline kasama ang Puerto Princesa, Palawan, Tarlac City, Bataan, Parañaque City, Olongapo, Ilocos Norte, La Union City, Cagayan de Oro, Negros Occidental, Sorsogon, Legaspi City, Albay, at Baguio City.
Bukod dito, sinabi ni Executive Director Diosdado T. Valeroso ng Emergency 911 National Office sa kanyang mensahe na ibinahagi ni Philip Uy, pinuno ng Capacity Development Emergency 911 National Office, na “Harinawa, gawin nating instrumento ang 911 na siyang magdudulot ng kasagutan sa mga agam-agam sa paghingi ng agarang saklolo. Dala namin ang inspirasyon na pag-ibayuhin pa ang paglilingkod at pagpapalawak ng 911 sa buong Pilipinas”.
Samantala, ibinahagi naman ni Bokal Alex Castro ang pinagdaanan ng Bulacan 911 mula sa pagbuo ng konsepto hanggang sa paglulunsad nito.
“Ginagawa natin ang lahat ng ito para mas matugunan ang mga pangangailangan ng mga Bulakenyo lalo na sa panahon ng sakuna na hindi mo alam kung saan ka tatakbo. Nagsagawa tayo ng mga pagsasanay para maitulad natin sa international standards and ating mabilisang pagtugon sa emergencies,” ani Castro.
Ang Bulacan 911 ay nasa ilalim ng Bulacan Rescue Project kung saan maaari pa ring tawagan ang Bulacan Rescue hotline (044) 791-0566 na siyang rumeresponde sa panahon ng emergency sa lalawigan simula 2010.
-
Lambda variant, hindi variant of concern- Sec. Duque
ITINUTURING ng pamahalaan na variant of interest at hindi variant of concern ang Lambda variant ng Covid 19 na mula naman sa mg bansang Peru at sa Latin America. Sa press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na bagama’t hindi naman nakakaalarma ang Lambda variant ay mananatili […]
-
Malakanyang, ipinatupad ang kautusan ng Ombudsman na suspendihin ang mga opisyal ng ARTA
IPINATUPAD ng Malakanyang ang naging kautusan ng Office of the Ombudsman na ilagay sa anim na buwang preventive suspension ang mga opisyal ng Anti-Red Tape Authority (ARTA). Isang memorandum na may petsang Hunyo 7 at nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang nagbibigay atas kay ARTA Deputy Director-General for Administration and Finance , […]
-
Robredo voters lumobo habang Marcos dumapa nang kaunti sa survey — Pulse Asia
BAHAGYANG nabawasan ang mga Pinoy na iboboto sa pagkapangulo si survey frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. habang umakyat naman ang mga nagsabing kay Bise Presidente Leni Robredo sila ngayong Mayo 2022, ayon sa Pulse Asia. Ito ang lumabas na resulta, Miyerkules, matapos ang pag-aaral na ginawa mula ika-17 hanggang ika-21 ng Marso sa […]